Hindi pa tapos ang laban sa ‘murang gamot’
SA hirap ng buhay ngayon dahil sa pagtaas sa halaga ng mga bilihin, bakit hindi pa pinipirmahan ni Presidente Arroyo ang Cheaper Medicine Bill? Matagal na yatang inaamag iyan sa Malacañang mula nang ipasa ng Kongreso. Pet project ito ni Sen. Mar Roxas na pinakaaabangan ng marami, lalu na yung mga senior citizens na sa dami ng sakit ay mistulang “walking drug store” na.
Sabi nga ni Sen. Roxas dapat man lang ay bumuo na ng road map ang Department of Health para sa implementasyon ng “Universally Accessible, Cheaper and Quality Medicines Act of 2008”. Oo nga. Parang wala akong nakikitang genuine interest sa panig ng administrasyon na mapagtibay ang batas na ito. Wish ko lang, kung hindi mapipirmahan iyan ng Pangulo ay mag-lapse into law na.
Seryoso ba ang gobyerno na matulungan ang mga mahihirap nating kababayan sa pangangailangan nila sa gamot? Kung seryoso, bakit ibinibitin pa ang implementasyon ng batas?
Sabi nga ni Roxas, “While we await the signing of this bill into law, nothing bars the Department of Health from preparing a roadmap for its implementation in consultation with various stakeholders.”
May mga naghihinala tuloy na baka may mga lobby group ng mga malalaking kompanya ng gamot ang nagtatangkang pigilin ang implementasyon ng batas. Masyado na ang umiiral na social injustice. Bakit, yun lang bang mga mayayaman na “can afford” bumili ng gamot ang may karapatang mabuhay?
Kawawa ang mga mararalita. Mantakin ninyong ang isang uri ng gamot sa hypertension na “Plendil” ay nagkakahalaga ng sampung beses dito sa Pilipinas kum para sa mabibili sa
Korek si Roxas. This early, the DoH could start looking into the mechanism for price regulation of certain essential drugs including maintenance medicines for diabetes and hypertension.
At ano pa ang hinihintay ng Malacañang at ayaw pang pirmahan ang batas nang maipatupad na?
- Latest
- Trending