^

PSN Opinyon

Mga modus sa lansangan ipagbigay alam agad sa BITAG!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

BAGITO pa lamang ang BITAG, forte na ng aming grupo na kalawitin ang mga naghahari-harian, nagsisiga-sigaan at mga barumbado ng lansangan.

Sila ’yung mga naglalako o nakatambay sa mga kal­sada na nagpapasimuno ng kung anu-anong modus na bumibiktima sa maliliit nating kababayan.

Iba-iba ang kanilang estilo, mayroong puwersahang ibinebenta ang kanilang tindang produkto, katulad ng mga Zesto Gang, Alahas Gang sa Cubao, Batang Juice at Sampaguita Boys sa Monumento.

Ang iba, garapalang pangongotong na dinadaan sa laki ng katawan, pagiging barumbado at pangunguyog     ng mga kaawa-awang drayber at kunduktor ng mga pam­pasaherong sasakyan.

Sila ’yung mga Maranao Boys sa Baclaran, Takatak Boys sa Divisoria at Quiapo.

At my ilan naman na dinadaan sa pakulo ang pam­bibiktima katulad ng Chessgang sa Quezon City at May­ nila at Laglag Barya Gang sa mga kalapit probinsiya ng Metro Manila.

Ito ang mga modus na natuklasan ng BITAG dahil sa mga biktimang nagreklamo sa amin.

Mga kawatan ng mga lansangan na ang tanging pu­ hunan ay pamumuwersa, pananakot at pananamantala.

Mga walang pakundangang kumikita sa pawis ng iba samantalang ang ilang unipormadong otoridad sa lansangan, nagbubulag-bulagan lang at nagkukunwaring walang alam. Ito kasi sa kanila, may porsiyento rin sa mga hinayupak na pasimuno ng mga modus na ito.

Marami-rami na rin ang mga modus sa lansangan ng BITAG at may ilan pa ngayong nasa aming listahan.

Kasama ng mga ala­gad ng batas wawali-sin naming parang mga basura ang mga peste sa lansangan.

Sa pamamagitan   rin ni Juan dela Cruz, ma­ging biktima rin  kayo o nakakasaksi lamang   sa mga illegal na ga­wain na ito, ma­dali na­ming mata­tra­baho ang mga kolokoy na ito.

Kung may nala­laman kayong iba pang modus sa lan­sangan, ipagbigay alam agad sa amin   sa BITAG!

vuukle comment

ALAHAS GANG

BATANG JUICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with