^

PSN Opinyon

Mabuti at masamang dulot ng caffeine

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

MARAMI pa rin ang hindi nakaaalam na ang caffeine ay nakapagpapasigla sa puso at sa central nervous system. Bukod sa pagiging stimulant nakatutulong din ito para mapabilis o mapahusay ang mental performance. Ang caffeine ay karaniwang matatagpuan sa coffee, tea, chocolates, softdrinks o colas, cold tablets at mga pain reliever. Nakatutulong din ang caffeine na pasiglahin ang output ng acid sa sikmura para madaling makapag-digest ng pagkain. Nakatutulong din ang caffeine para mapalaki ang daanan ng hangin sa lungs.

Pero may mga masamang dulot din ang caffeine kapag sumobra. Bagamat non-toxic, ang pagiging addictive dito ay nakapagdudulot ng pangangatal, pagpapawis, palpitations, mabilis na paghinga, hindi makatulog at maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng migraine. Ang biglaang pag-withdraw dito ay dapat iwasan sapagkat magdudulot ng grabeng sakit ng ulo, pagkairita at panghihina o pananamlay.

Kapag kumain ng chocolates, o uminom ng softdrinks o colas sa gabi, magdudulot ito ng tinatawag na childhood insomnia. Ipinapayo sa anim na tasa maghapon. Ang mga maysakit sa puso, may mataas na blood pressure, may kidney disease ay nararapat bawasan ang pag-inom ng kape o unti-unti na itong itigil.

Ang mga buntis at nagpapasuso ay dapat uminom ng isang tasa ng ground coffee o dalawang tasa ng instant coffee sa loob ng isang araw. Naa-absorb ng fetus ang caffeine. Kapag naisilang na ang bata ay magdaranas naman ito ng withdrawal symptoms.

Ang mga babaing mahilig sa kape at wala pang anak ay kinakailangang bawasan o tumigil na rito sapagkat mahihirapan silang mag­buntis.

Since coffee is a deu­-ritic, it increases the  rate of excretion of calcium.

Ang high caffeine intake ay nagdadagdag ng panga­nib sa pagkakaroon ng   osteoporosis.

Ang osteo­porosis ay sakit na  nagpa­pahina o nag­papalutong sa buto.

BAGAMAT

BUKOD

CAFFEINE

IPINAPAYO

KAPAG

NAKATUTULONG

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with