^

PSN Opinyon

Sa bala nabuhay si Abe Fiesta kaya sa bala rin siya namatay!

- Bening Batuigas -
(Unang bahagi)

TOTOO ang mga kasabihang “kapag buhay ang inu­tang    buhay din ang kabayaran” at “sa bala ka nabuhay sa bala ka rin mamamatay”.

Ito ang sinapit ni Bernabe “Abe” Fiesta nang lusubin ng mga pulis ang pinagtataguan niyang bahay na pag-aari ng tiyuhing si retired Senior Police Officer 4 Florencio Peria sa Bgy. Hornalan.

Walong katao kabilang ang limang kabataan na may edad apat hanggang 12 taon ang walang awang pinag­babaril ni Fiesta na maituturing na demonyo, habang himbing sa pag­ kakatulog ang mga ito sa loob ng kanilang bahay.

Tatlo katao ang napatay sa pamilyang Balisong na pina­ngungunahan ng amang si Dennis at mga anak na sina Gladyn at Gladys. Pinalad makaligtas si Marina at ang kanyang anak na si Denmark na nagtamo rin ng bala ng M-16 rifle.

Ang pamilya Pili naman ay namatayan ng limang mi­yembro na kinabibilangan ng mag-asawang Gerry at Gloria, mga anak na sina Marijane, Sarah at Julianne. Sugatan naman and dalawang anak na sina Mae at Erica na kasalukuyang gina­gamot sa ospital. Masuwerteng maituturing si Angelito, 12, na nakaligtas sa pagmasaker matapos magkunwaring patay sa tabi ng kanyang mga patay na kapatid at ina.

Dalawang kabahayan pa ang niratrat ng demonyong si    Fiesta habang papatakas at maging ang mga aso at baka ay hindi niya pinaligtas. Niratrat din niya ang mga ito.

Ngunit ang kalupitan sa kapwa ay may katapat. Nang arestuhin siya ng mga pulis, lumaban siya. Agad na namatay si Fiesta. Ke lumaban o hindi, tama lamang na mawala na siya sa lipunan. Get n’yo mga suki?

“Kulang pa ang buhay niya!” Ito ang naging tugon ng mga kapamilya ng mga biktima nang kanilang malaman na napatay ng mga pulis ang demonyong si Fiesta. Ang dapat umano sa kanya ay tadtarin nang pinumpino. (Itutuloy)

BALISONG

BERNABE

FLORENCIO PERIA

SENIOR POLICE OFFICER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with