^

PSN Opinyon

Energy sufficiency

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

NOONG nag-oil embargo ang mga bansa ng OPEC,   taong 1973, nasakal nang husto ang supply sa United States at sa mga kaalyadong umaasa sa pag-angkat ng langis. Dito unang nasilayan ang mga alternatibong pagkukunan ng enerhiya. Tulad halimbawa ng solar panel sa bubong ng mayayaman nating kapitbahay. Sa mga henerasyong kinagisnan ang langis bilang enerhiya, nakakalulang isipin ang lahat na likas-yaman na magaga­mit din sa pagpatakbo ng mga makina ng industriya.

Hindi nagtagal ang pantasya dahil nang itigil ang embargo, muling naging abot kaya ang presyo ng gasolina, diesel at iba pang produktong petrolyo. Hindi na na­engganyo ang mga dalubhasa sa pagsaliksik at paghanap ng mga bagong energy source dahil wala na rin namang pangangailangan.

Ngayong hindi na mahabol ang bulusok ng presyo ng langis pa-langit, muling nagpapahiwatig ng interes sa mga alternatibo. At napapanahon dahil hindi na maikakaila ng mundo na ang supply natin ng langis ay hindi balong malalim. Mayaman din sana ang Pilipinas sa langis. Subalit mahabang taon at malaking gastos ang bubunuin upang mapakinabangan ang mga mina natin. Walang angking karanasan at kaalaman dito ang Pilipino –- mahal din ang mamatrikulahin sa pagsandal sa balikat ng mga dayuhan na uubusin din lang tayo sa komisyon at kunsumisyon.

Kung makahanap lang sana tayo ng sariling pagku­kunan ng enerhiya, tapos ang lahat ng problema. Ang binabayad natin sa langis na galaking porsyento ng taunang budget, maari nang gamitin sa ibang proyektong pantao.

Nasanay lang ang mundo sa langis dahil madali itong makuha (hukay lang sa ilalim ng lupa, ayos na!) Pero kung tutuusin, ito ang pinakamarumi sa lahat. Sobrang yaman ng Pilipinas sa iba pang mga enerhiya: Solar, hangin, tubig dagat, maging ang naiipong init ng araw sa tubig dagat, puwersa ng mga alon, hydroelectric ng ating mga ilog at waterfalls, geothermal, at siyempre ang biofuels. Higit pa sa rice crisis, ito ang nais kong hingan ng paliwanag sa gobyerno. Sa yaman ng Pilipinas, kailangan ba talaga nating umasa sa iba?

DITO

HIGIT

LANGIS

MAYAMAN

NASANAY

PILIPINAS

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with