BARBARO at demonyo lamang ang makagagawa ng karumal-dumal na pagpatay sa siyam na walang kala- bang-labang empleyado ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) branch sa Cabuyao, Laguna noong Biyernes.
Ngayon lang ako nakabalita ng ganitong pangyayari mula nang akoy maging tao. Kaya sikat na naman ang Pilipinas sa buong daigdig. Ipinahihiwatig lamang na kulang ang kakayahan ng Philippine National Police (PNP) kaya nalulusutan ng mga halang ang bituka. Get n’yo mga suki?
Mas abala pa umano ang ilang pulis sa pagsalakay sa mga sugalan at putahan kaysa magronda sa kapaligiran. Ika nga’y pera-pera lamang ang inaatupag nila. Hindi ko naman nilalahat ang mga pulis.
Dahil may ilan din namang mga pulis na tumutupad sa kanilang tungkulin at ang ilan pa nga sa kanila ay namatay sa tungkulin. Katulad na lamang sa dalawang pulis-Maynila na sina PO3 Francisco Neri at PO3 Jose Santos ng Ermita Police Station.
Namatay ang dalawang pulis nang rumesponde sa isang ambush robbery hold-up na isinagawa ng riding-in-tandem sa Paco, Manila, kamakailan.
Sa kabila ng naghihingalo na sina Neri at Santos ay nagawa pa nilang putukan ang mga salarin. Ngunit talaga yatang buwenas pa ang mga kawatan dahil nagawa pa nilang tangayin ang salapi ng napatay na negosyanteng si Atty. Alfredo Dy. Naitakas din naman nila ang nasugatang kasama.
Subalit ang nangyaring massacre sa RCBC-Cabuyao Branch ay blanko ang ka pulisan ng Laguna. Maituturing na inutil ang mga alipores ni CaLaBarZon Regional Police Director Chief Supt. Ricardo Padilla dahil wala man lang silang kamalay-malay sa pangyayari. Asan kaya ang mga bulldog ng Pa dilla ng mga oras na iyon. Marahil nag papalaki ng betlog kaya wala silang alam sa pangyayari. Get n’yo mga suki?
Sa ngayon, nagkuku mahog na ang mga bulldog ni Padilla sa pag-amoy sa mga iniwanang bakas ng mga salarin at paghahanap ng leads para matukoy ang grupo. Ang sambayanan ay sa-ma-samang nagdarasal para matukoy nina Padilla ang mga suspek at nang mapatawan ng pinaka-mabigat na kaparusahan.
Nawa’y mga totoong salarin ang inyong ma lambat Sir! Kasi nga ayon sa mga opisyales ng Manila’s Finest na aking nakausap, baka umano mandakma na lamang ng mga inosenteng tao para maipresenta sa media. Ika nga’y panakip butas system naman ang gagawin upang mapagtakpan ang kanilang kapalpakan.
At habang abala ang mga bulldog ni Padilla sa paghahanap sa mga salarin, hinihikayat ko po kayo mga suki na magtulungan para mapadali ang paghuli sa mga salarin. Tulungan natin ang kapulisan sa paghanap sa mga salarin.