^

PSN Opinyon

Sino si Alko kuko sa NCRPO?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

MABAGSIK pa sa tigreng gutom itong si Alko kuko, ang bagong kolektor ng NCRPO sa jueteng sa Metro - Manila.

Magkasabay kung mangrampa sina Alko kuko at Morata alyas garapata sa pangongotong nila sa mga jueteng lords sa kalakhang Manila at siempre kasunod nila ang pangalan ni NCRPO Geary Barias, ang sinasabing human rights violator daw ng media?

Remember Manila Peninsula siege, mga kamote,

Ginagamit kasi nina Morata, alyas garapata at Alko kuko ang pangalan ni Geary kapag umorbit sila sa mga gambling den.

Sabi nga, pinanghihingi.

General Barias, Sir pakibusisi nga ito. Paano tayo magiging Chief PNP niyang kung ang dalawang gagong ito ang sisira sa pangalan mo.  Baka mabasa ni Prez Gloria Macapagal Arroyo at DILG Secretary Ronnie Puno ang sumbong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mahulog ka sa iyong pa­ngarap? Hehehe!

Pasipa; mo kay Col. Danao ang iyong R2 ang dalawang kamote bago maging huli ang lahat at maisama pa ito sa CHR? hehehe!

Abangan.

Carreon, bagman sa grand conspiracy sa CLOA

HINDI biro ang naamoy ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil ginagapang daw ng isang gurion este mali Carreon pala ang media para pigilan sila na huwag mabulgar ang ikinakanta ni Louie Hipolito, tungkol sa isyu ng CLOAs grand conspiracy.

Mga billionaire ang mga nagsabwatan dito para lutuin ang government of the Republic of the Philippines sa kanyang sariling mantika.

Mga agricultural land na convert sa mamahaling subdivision dyan sa Mexico, Pampanga.

Humingi ng tulong si Ka Louie kay Carreon para ibulgar ang nangyayaring grand conspiracy sa lupain ng gobierno na ibinigay sa magsasaka at pagkatapos ay illegal na nailipat para gawin subdivision ng mga nagsabwatan madlang people sa gobierno.

Himayin natin ang kuento ni Ka Louie, noong 2000 si Prez Gloria Macapagal Arroyo pa pala ang nag-inagurate ng mamahaling subidivion sa Mexico kasama ang mga multi-millionaire na may-ari at directors nito.

Sabi ni Ka Louie, sa mga kuwago ng ORA MISMO, nakakatiyak siyang walang kinalaman ang Presidente sa kagaguhan pinaggagawa ng mga nagsabwatan sa lupa.

Sabi ni Ka Louie, walang kamalay-malay si GMA na ang mahigit na 200 ektaryang pang mayaman subdivision ay mga Certificate of Land Ownership Award (CLOA) pala na ipinamahagi sa mga farmer beneficiaries ng Department of Agrarian Reform na illegal na ginawang Transfer Certificate of Title(TCT).

Sabi ni Ka Louie, hindi birong madlang people ang nag 0 chip in sa capital para itaya este mali itayo pala ang Central Country Estate Incorporated.

Sabi ni Ka Louie, ang ipinangalan sa subdivision  ay Lake Shore na matatagpuan sa Mexico, Pampanga. Mahigit sa P10 billion ang project na ito mas malaki pa sa kontrobersyal ng ZTE - NBN deal.

Sabi ni Ka Louie, napatunayan niyang illegal ang transfer ng paimbestigahan ng Land Registration Authority (LRA) may isang taon na ang nakakaraan.

Sabi ni Ka Louie, mahigit isang taon na rin ang nakakaraan pero mula noon up to now ay inupuan ng LRA ang nasabing pangangalkal sa ilalim daw ito ni LRA Administrator Benedicto Ulep.

Tiniyak din na talagang illegal ang paglipat ng CLOA sa TCT ng pinaimbestigahan ni DAR Secretary Nasser Pangandaman sa Adhoc Committee matapos lumabas ang terminal report.

Base sa Terminal report matapos lumabas ito ng anim na buwan sabi ni Ka Louie, nagkaroon ng grand conspiracy ang locak na DAR, HLURC, BIR at Register of Deeds ng Pampanga.

Ang terminal report ay inupuan din dahil mahigit isang taon na rin itong inaamag sa tanggapan ng gobierno.

Ayon kay Ka Louie, ipinangako daw ni Pangandaman na sa­sam­pahan niya ng criminal case ang lahat ng sangkot sa krimeng ito.

Ang masama up to now ay wala pa rin silang kaso!

 Ano ba iyan?

Sa isang report na nabasa ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Sergio Apostol na ang mga may-ari ng mga mamahaling subdivision na ito at mga kawani ng gobyerno sa Philippines my Philippines na involved sa GRAND CONSPIRACY ay dapat kasuhan ng animal este mali kriminal pala.

‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago next issue ang karagdagan sinabi ni Secretary Apostol.’

‘Ipapakilala natin ng husto itong si aquarium este mali Carreon pala.’

Abangan.

ALKO

CARREON

KA LOUIE

LOUIE

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with