^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Naka-motorsiklong holdaper nararapat nang lambatin

-

IBA na ang modus operande ng mga holdaper ngayon. Imbes na ang banko ang kanilang pasukin, mga kliyen­ te ang kanilang inaabangan at saka hinoholdap. At ang nakapanlulumo, pinapatay pa ng mga holdaper ang kani­lang hinoldap. Sa loob lamang ng isang linggo, limang magkakasunod na insidente ng panghohold-ap ang isi­nagawa ng mga nakamo­torsiklong kalalakihan. At naka­didismaya naman ang sinabi ng hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na hindi pa raw nakaa­alarma ang mga nangyayaring panghohold-ap sa mga bank client. Ano pa kaya ang gustong mangyari ni Gen. Geary Barias? Gusto ba niyang sandamukal muna ang maholdap at mapatay para sabihing nakaaalarma?

At isang araw makaraang sabihin ni Barias na hindi naman nakaaalarma ang panghohodap sa mga kliyente ng banko, sumalakay muli ang mga holdaper na naka-motorsiklo at kanilang tinarget ang isang abogadong negosyante. Hinarang ng mga nakamo­ torsiklong holda­per ang sasakyan ni Atty. Alfredo Dy sa kanto ng Pedro Gil at Merced Sts. sa Paco dakong alas diyes ng umaga. Pinagbabaril si Dy at saka kinuha ang bag na may la­mang isang milyong piso na kawi-withdraw lamang sa Banco de Oro.

May rumespondeng dalawang pulis at nakipagba­-rilan sa mga holdaper pero may mga kasamahan pa pala ang mga ito. Ang mga ito ang bumaril sa dala­wang pulis. Namatay ang dalawang pulis saman­talang si Dy ay patay na bago pa makarating sa Makati Medical Center. Tatlong sibilyan naman ang tinamaan ng ligaw na bala.

Masyadong malakas ang loob ng mga holdaper at kahit sa karamihan ng tao ay walang takot na isinasa­gawa ang panghoholdap. Isa marahil dahilan kung bakit hindi natatakot ang mga nakamotorsiklong holdaper ay dahil alam nilang kayang lusutan at takasan ang pulisya. At mas malalakas ang kalibre ng baril na kanilang hawak. Bukod doon mas marami sila kung sumalakay at kapag nagipit ay mayroong mga backup.

Nakaaalarma ang halos araw-araw na holdapan at pawang mga kliyente ng banko ang hinoholdap. Noong nakaraang linggo, sumalakay sa iba’t ibang lugar ang mga holdaper. Sa Parañaque, isang kliyente ng banko ang natangayan ng P2.1 million. Sa Maynila, pinatay ma­tapos holdapin ang isang 50-year old messenger na natangayan ng P65,000. Sa Marikina City, dalawang mag-asawang matanda ang hinoldap makaraang mag-withdraw ng pera sa banko. Nata­ngay sa mag-asawa ang kalahating milyong piso.

Ang pagkilos pa ng PNP sa mga nangyayaring holda­pan na ang may kagagawan ay mga naka-motorsiklo ay nararapat doblehin at paigtingin. Hindi dapat ningas-kugon sa pag-inspeksiyon sa mga nakamotorsiklo. Huwag hayaang ang mga kawawang bank client ay mamatay sa kamay ng mga kawatan.

ALFREDO DY

GEARY BARIAS

HOLDAPER

MERCED STS

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PEDRO GIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with