Pinoy ang valedictorian sa Northshore High School, Texas
ISANG Pinoy ang valedictorian sa class 2008 ng Northshore High School, Houston, Texas. Ang 17-year old na si Jonathan Casey Daplas Zalamea ay nanguna sa 913 graduating students. Si Jonathan ay anak ni Rene at Evelyn Daplas Zalamea ng Pagsanjan, Laguna at Kawit, Cavite. Binigyan din ng parangal si Jonathan ng iba’t ibang academic, civic at religious organizations.
Ipinagmamalaki si Jonathan hindi lamang ng mga kapwa niya Pilipino at Asians kundi pati ng mga Puti. Pambihira ang achievement na ngayon lamang nagawa ng isang Pinoy. Ang grade point average (GPA) ni Jonathan ay 5.1. Nalampasan niya ang official GPA sa nasabing school na 5.0.
Kakaiba ang sistema sa high school sa Texas. Nire-require ng schools dito na magpa-tutor o di kaya kumuha ng special classes ang lahat ng mga estudyanteng due for graduation para maipasa ang mga failing grades. Ang sinumang hindi pumayag sa ganitong sistema ay mapa patalsik o hindi mapasama sa listahan ng ga-graduate.
Dito sa US ay gaganahang mag-aral ang mga kabataan sapagkat kahit public school, may sapat na pasilidad. May library na kumpleto ang pangangailangan ng mga estudyante. Binibigyan ng incentives ang mga estudyanteng matataas ang grades at maski yung nakapagsa-submit ng magagandang assignments o projects.
Naalaala ko ang mga estudyante sa Pilipinas na kulang na kulang ang classroom, silya at libro. Dahil sa kakulangan ng classroom ay may nagkaklase sa ilalim ng punongkahoy. Malapit na naman ang school opening sa Pilipinas at sigurado ako na may mga problema na namang kahaharapin ang mga estudyante sa pampublikong eskuwelahan. Kailan kaya magkakaroon ng school openng sa Pinas na walang problema?
- Latest
- Trending