^

PSN Opinyon

Modus operandi para kumomisyon sa uling

SAPOL - Jarius Bondoc -

MISKI pribado ang pag-aari sa apat na coal-fired power plants sa Pagbilao, Malaya, Calaca at Sual, inobliga sila na idaan sa Napocor mafia ang pagbili ng coal. Sinu­suway ng Napocor ang matagal nang utos ng Department of Energy na mag-imbak ng pangmatagalan para mas mura. Emergency parati ang pagbili. Tinatakot pa ang madla na magkaka-blackout kung hindi sila hayaan mag-rush import. Ito’y para mapaspasan nila ang paglu­luto ng proseso. Dahil ora-orada ang pag-anunsiyo ng bidding, walang makasali nang lubos. Dinedeklara ng Napocor na “failure of bid.” Ito’y para maari nang diret­sang makipag-negotiate sa kompanya na magpapa-kickback.

Isinagawa ng Napocor mafia ang modus operandi nu’ng Abril 2007. Kasabwat ang pinaka-taas. Diretsong naki­pag-deal ang Napocor sa Hunter Valley Coal Corp. ng Australia, sa pamamagitan ng local partner Glencore Far East Philippines AG. Ang presyo: $84 kada tonelada (sa palitang P50:$1), gay’ung $30 lang kada tonelada ang bentahan noon sa Australia. Kumita sila ng P877.5 milyon mula sa limang barko ng tig-65,000 tonelada.

Idinemanda ng consumerists ng graft sina Napocor president Cyril del Callar, VP-Bidding Juan Carlos Gua­darrama, at dalawa pang opisyal.

Hindi pa man naaaksiyunan ng Ombudsman ang kaso, humataw na naman ang Napocor mafia nitong 2008. Nagdeklarang kapos ang coal sa Pagbilao, kaya kailangan ng tatlong barkong tig-65,000 tonelada. Inim­bita ni Guadarrama na mag-bid ang PT Marsitero Mar­loan ng Indonesia, dinaan sa Manila partner na Trans­Pacific Consolidated Resources Inc. Fi-nax lang niya ito nu’ng Peb. 12 sa Danarra Hotel Business Center­, na ayon sa hotel staff sa Quezon City ay dalawang buwan nang sarado. Limang buwang gulang pa lang ang TCRI, P1 milyon ang authorized capital, P62,500 lang ang paid up. Pero in-award ito ni Del Callar ng kontratang P956 milyon. Ang presyo: $109.50 kada tonelada, miski $77 lang ang bentahan noon sa Indonesia. Ang kickback: P258 milyon.

Hindi matitibag ang Napocor mafia. Ni hindi inuusisa ng Kongreso ang raket. Kasi, isa mismo sa taga-usisa ang patron — malapit sa Palasyo.

BIDDING JUAN CARLOS GUA

DANARRA HOTEL BUSINESS CENTER

DEL CALLAR

DEPARTMENT OF ENERGY

GLENCORE FAR EAST PHILIPPINES

HUNTER VALLEY COAL CORP

NAPOCOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with