^

PSN Opinyon

Napocor mafia sanhi ng mahal na kuryente

SAPOL - Jarius Bondoc -

INUUTO ng Napocor mafia ang Kongreso at Malaca-  ñang. Pinapapaniwala ang mga mambabatas na dapat kuno baguhin ang Electric Power Industry Reform Act para magmura ang kuryente. Ipinatitira naman sa ehekutibo ang pribadong Meralco na nagtataas umano ng singil. Naitatago ng mafia ang bilyong-pisong pagnanakaw        nila — na tunay na sanhi ng pagmahal.

Naisahan na ng Napocor mafia ang madla nu’ng 2007. Pinalabas na kapos sa coal ang apat na planta sa Luzon, kaya kailangan ng emergency imports para maiwasan ang blackouts. Animo’y scripted, bigla pang nag-trip ang kuryente sa buong rehiyon. Gipit sa oras ang “bidding” kaya wala halos nakasali. Dineklarang “failure of bid” kaya nakipag-negotiate na lang ang Napocor. Pumirma ng     deal sa Hunter Valley Coal Corp. ng Australia, sa pamamagitan ng Glencore Far East Philippines AG, para sa paunang barko ng uling na 65,000 tonelada. Ang presyo ay $84 kada tonelada, sa palitang P50:$1. Pero ang bentahan noon sa Australia ay $30 lang kada tonelada. Sama­katuwid, may overprice na $54 kada tonelada, o $3.51 milyon (P175.5 milyon) para sa unang barko pa lang nu’ng Abril 2007.

Aba’y umorder muli ang Napocor ng apat pang barko ng uling nu’ng Hulyo at Agosto. Kaya ang overprice ay pumalo sa $17.55 milyon (P877.5 milyon). Hinabla ng consumerists si Napocor president Cyril del Callar ng graft sa Ombudsman. Bukod sa lantaran ang pakana, sinuway din ang matagal nang utos ng Department of Energy na mag-imbak ng murang coal. Idinawit din sina Napocor     VP-Logistics Eduardo Eroy, VP-Bidding Carlos Guadarra­ma, at Mancom secretariat head Urbano Mendiola Jr.

Nu’ng una, nangako ang Joint Congressional Power Commission na imbestigahan ang anomalya. Pero nag-abroad ang co-chairpersons, sina Sen. Miriam Santiago at Rep. Mikey Arroyo. Kinalimutan nila ang lahat.

Samantala, inudyukan ng Napocor ang Malacañang     na upakan ang Meralco. Mas mahal daw kasi ang singil nito kaysa distributors sa Visayas at Mindanao. E kasi naman, waterfalls kalimitan ang sanhi ng kuryente sa Vis-Min, samantalang sa Luzon 30% ng presyo ay dahil sa coal.

BIDDING CARLOS GUADARRA

DEPARTMENT OF ENERGY

ELECTRIC POWER INDUSTRY REFORM ACT

GLENCORE FAR EAST PHILIPPINES

HUNTER VALLEY COAL CORP

JOINT CONGRESSIONAL POWER COMMISSION

NAPOCOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with