Marinong Pinoy: Tagapangalaga ng karagatan
AKO at ang aking panganay na anak na si Senate Pre-sident Pro Tempore Jinggoy Estrada ay kapwa humanga sa kabayanihang ginawa ng isang Pilipinong seaman na nagsumbong sa mga awtoridad dahil ang kanyang sinasakyan at pinagtatrabahuhang barko ay nagtapon umano ng “sludge” o maruming langis at tubig sa karagatan.
Tinawag nga ni Jinggoy na “Protector of the Seas” o tagapangalaga ng karagatan ang naturang seaman na nakilalang si Domingo Silva, 49, third engineer ng barkong MSC Trinidad.
Base sa impormasyon, nakita ni Silva na itinapon ng MSC Trinidad sa laot ang tinatayang 30 tonelada nang maruming langis habang bumibiyahe ang barko sa karagatan ng Canada sa bahagi ng Atlantic Ocean.
Kinunan ni Silva ng video ang insidente at agad niya itong inireport sa International Transport Federation na nakabase sa
Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng pamahalaan ng
Kami ni Jinggoy ay kapwa naniniwala na ang gina- wang ito ni Silva ay isang malaking kabayanihan, hindi lang para sa pamahalaan ng Canada, kundi para sa kapakanan ng kalikasan, laluna’t ang mga karagatan sa buong daigdig ay masyado nang apektado ng polusyon at ng pang-aabuso ng mga tao.
Kamakailan, pinangunahan ni Jinggoy ang hearing tungkol sa resolusyon ng Professional Regulation Commission (PRC) kaugnay sa Management Level Course (MLC) at iba pang “concerns” ng marinong Pinoy, laluna’t base sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay umabot na sa 230,000 ang bilang ng “deployed Filipino sea-farers” noong 2006.
Si Jinggoy, na chairman ng Senate committee on labor, employment and human resources development, at ng joint congressional oversight committee on labor and employment, ay naniniwalang ang kabayani-han ni Ginoong Silva ay lalong magpapataas sa reputasyon ng mga Pilipinong marino hindi lang bilang mga masisipag, mababait at ma-tatalinong empleyado, kundi pati rin bilang mga taga-pangalaga ng karagatan.
- Latest
- Trending