^

PSN Opinyon

Ba’t kaya hindi sikat ang pagkaing Pinoy sa ibang lahi?

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

MAHILIG ako sa pagkain kaya’t kahit saang lugar ako mag­punta, ito agad ang hinahanap ko. Dito sa United States, naging malaking problema ko ang Pilipino food sapagkat limitado ang mga Pinoy restaurants dito. Maliban sa Los Angeles, San Francisco, San Diego, Cali­fornia at mangilan-ngilan sa ibang States na maraming Pinoy, wala nang restawran na nagluluto ng pagkaing Pinoy.

Bakit kaya hanggang ngayon, hindi pa nagiging popular ang pagkaing Pinoy sa mga banyaga gaya ng pagka­ing Japanese, Chinese, Italian, Spanish, Mexican o Vietnamese. Hindi rin naman patatalo ang sarap ng lasa ng pagkaing Pinoy. Hindi matatalbugan ang sarap ng ating kare-kare, adobo, litson, dinuguan, sinigang, barbecue, kakanin, cakes at panghimagas.

Bakit kaya hindi sikat ang mga pagkaing Pinoy sa ibang lahi? May kulang pa siguro sa ating mga pagkain. Habang pinipilahan ng ibang lahi ang mga Chinese, Japanese, Italian restaurants, ang Pinoy restaurants ay tanging Pinoy lang ang customers. Siguro kung dadami ang branches dito sa US ng Goldilock’s, Chow King, Jollibee, Red Ribbon ay baka dayuhin na ang mga ito ng ibang lahi.

Dapat baguhin ang presentation ng mga pagkaing Pinoy. Paano kakainin ng mga Kano ang litsong baboy kung nakikita nila na may mansanas sa bibig ng baboy. Weird di ba? Kailangan pagandahin ang presentation ng adobo, kare-kare (siguro ay minus the bagoong). May pag-asa ang chicken, beef at pork barbecue sa mga Kano. Ganoon din ang sinigang at vegetable menu.

Magtulung-tulong ang lahat lalo na sa developmental programs, planning and promotions.

BAKIT

CHOW KING

KANO

LOS ANGELES

PINOY

RED RIBBON

SAN DIEGO

SAN FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with