^

PSN Opinyon

EDITORYAL – OWWAwa naman!

-

WALA nang pre-departure loan para sa mga overseas Pinoy workers! Ito ang binalita ni acting Labor Secretary Marianito Roque noong Linggo. Masyado raw nalugi ang Overseas Workers­ and Welfare Administration (OWWA) kaya sinuspende na ang pagbibigay ng loan sa mga OFW. Umabot na raw sa P70 million ang lugi. Marami raw OFWs ang hindi nagbabayad at wala silang magagawa kundi itigil na ang pagbibigay ng loan. Gayunman, patuloy pa raw nilang hahabulin ang mga OFWs na nangutang sa OWWA. Si Roque, na umaakto ring OWWA chief ay nagsabing 30 percent lamang ng mga nangutang na OFWs ang nag­ba­bayad. Paano raw sila makasu-survive sa ganoon kaliit na porsiyento ng nagbabayad?

Sa ganitong sitwasyon, walang ibang kawawa rito kundi ang mga OFW na nangutang sa OWWA na nagbayad at tumupad sa kanilang responsi­bilidad. Nadamay sila sa kagagawan ng mga OFW na balasubas. Sila ang kawawa sapagkat, inaasa­han nilang muli silang makakautang para sa panga­ngailangan ng pamilya habang hindi pa sila naka­pag­pa­padala. Karaniwang ang mga nakakautang ay ang mga papaalis ng OFW at ang halagang nauutang ay umaabot sa P40,000. Bago makautang, kailangan ay may co-maker ang OFW upang kung sakali at hindi siya makabayad, ang co-maker niya ang sisingilin ng OWWA. Pero sabi ni Roque, kahit na raw sinisingil nila ang co-maker ay ayaw ding magbayad. Katwiran pa ng mga OFW na umutang, hindi na nila babayaran ang kanilang nautang dahil pera raw naman nila iyon. Ang mga papaalis na OFW ay nagbabayad ng $25 membership fee per employment contract.

Walang ibang maaaring sisihin sa pagkalugi ng OWWA kundi sila na rin. Nagpautang sila nang nag­pa­utang gayong wala naman palang kaseguruhan kung makakabayad ang kanilang pinautang. Dapat ay mayroon silang sistema para mapuwersang mag­bayad ang mga nangutang na OFW. Dapat ay naghigpit sila at siniyasat na mabuti kung may ka­kaya­hang magbayad ang bawat OFW na nag-aapplay ng pre-departure loan.

May kasalanan din ang OWWA kung bakit nalugi. At ang kawawa sa dakong huli ay ang mga tapat magbayad. Sana ay makaisip ng ibang paraan ang OWWA kung paano matutulungan ang mga tapat na OFW.

DAPAT

LABOR SECRETARY MARIANITO ROQUE

OFW

OVERSEAS WORKERS

OWWA

RAW

SHY

SI ROQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with