^

PSN Opinyon

‘Inagaw kay kamatayan’ (PART III)

- Tony Calvento -

NUNG MGA nakaraang bahagi ng istorya ni Pedrito De Guzman, ang lalaking pinagbabaril dahil sa gitgitan sa kalsada naisulat ko na isang lalake, si Raymond Vargas ang lumutang upang magbigay ng salaysay ukol sa mga nakita niya nung alas nuwebe ng gabi.

“Mula sa aking kinatatayuan, nakita kong itinutok niya yung baril at kinalabit ang gatilyo. Pagkatapos tumalikod itong tao at lumakad ng ilang hakbang. Bigla na lamang itong tumalikod at binalikan yung biktima na nakahandusay sa kalsada.

“Tumalikod siya at naglakad ng mga tatlong hakbang ngunit nilingon niya ulit ‘yung pinanggalingan niya.. Binalikan niya.. Pinaputukan niya ulit ng dalawang beses! Pagkatapos ay may dumating na puting kotse, tumigil ‘yun sa harapan ko sa kabilang kalsada at lumakad papunta dun ‘yung lalaki.   Nagkatinginan kami at pagkatapos ng ilang sandali, sumakay siya sa puting kotse,” kwento ni Raymond. 

Tinandaan umano ni Raymond ang plate number nung puting kotse, BDR 333  parang Honda Civic. Inilarawan niya ang taong nakita niyang namamaril sa isang police artist.

“Maiksi na parang skinny hair ang buhok ng namaril. Siya ay may bigote at mukhang nasa edad 40 pataas.  Malinis ang kanyang istura at mukhang desente pero nang siya ay namaril para lang siyang bumabaril ng  manok,” sabi ni Raymond.

Binerify nila ito sa Land Transportation Office at nalaman ng mga imbestigador ng Precint 6 ng Quezon City at na-trace ang rehistro ng  kotseng ito sa isang Mercedes Benz na ang nakalagay na may-ari ay isang Cecile Aragon taga-Marikina City at nagtatrabaho sa consulate.

 “Hindi ako maaring magkamali sa plaka. Napag-alaman ng imbestigador na ang kotse ay ibinenta sa taong nagngangalang Bobby del Rosario na ayon sa imbestigasyon ay nagustuhan niya ang plaka ng kotse dahil sa pareho sila ng initials nito kaya ito binili.”

Isang linggo ang lumipas ay muling bumalik si Raymond sa Station 7. Siya ay pinakitaan ng ilang litrato ng mga taong nag­ngangalang Bobby Del Rosario.

“Nakilala ko agad ‘yung Bobby pero mukhang blurred at stretched ang picture niya dun,” paliwanag ni Raymond.

Inumpisahan na ng mga pulis ang paghahanap sa sinasabing Bobby Del Rosario habang si Raymond ay patuloy ang pagdalaw kay Pedrito.

“Apat na beses kong dinadalaw si Pedrito sa ospital para kamustahin. Dun nakilala ko na halos buong pamilya niya.   Ilang araw ang lumipas ay may nagpakilala sa akin na Atty. Naval.  Nag-offer siya ng 100,000 pesos at tinanggihan ko ‘yun. Nakiusap sila sa akin na tulungan ko sila sa kaso at nangako naman akong hindi ko sila iiwanan, tutulungan ko sila,” sabi ni Raymond.

Kinunan siya ng pahayag at habang itinuturo niya ang litrato ng taong ipinakita sa kanya na si Roberto del Rosario.

 “Habang ako ay kinukuhaan ng statement ng imbes­tigador, may dumating na lalaki at pumasok sa kwarto. Nag­pakilala siyang kaibigan ng may-ari ng kotse. Nakiusap ako sa mga pulis na ‘wag akong ipakita sa kanya dahil isa daw itong Colonel. Nalaman kong nakipag-usap ito sa Station Com­mander,” kwento ni Raymond.

Lumapit sina Pedrito sa National Bureau of Investigation upang maibestigahan ang kasong pamamaril. Si dating Regional Director ng National Capital Region na si Atty. Edmund Arugay ang namuno ng imbestigasyon.

“Nagbigay na naman ako ng aking statement. Nagpakita sila ng ilang litrato at mula dito ay namili ako kung sino sa kanila ang sa palagay kong namaril kay Pedrito. Pinili ko yung litrato at habang ginagawa ko yun, kinukunan pa nga nila ako ng video sa loob mismo ng NBI-NCR,” ayon kay Raymond.

Humingi din ng tulong si Pedrito kay Ramon Tulfo pati sa programa nito sa telebisyon na “Isumbong mo kay Tulfo.”

Para sa isang masusing paglalahad ng istorya ni Pedrito naimbitahan si Raymond sa tanggapan ni Mon Tulfo. Nagpunta siya sa DWIZ at nagulat siya nang makita niya ang sasakyan na isang Mercedez Benz na may plate number na BDR 333. Naisip ni Raymond bigla na baka nandun yung si Roberto del Rosario.

“Nangako sila sa akin na hindi nila ako ipapakita sa suspect. 

Bago pa kami umakyat sa building, nakita kong may nakaparadang Mercedes Benz na puti at may plakang BDR 333 sa parking.          

“May nakita akong lalaki na kamukha nung taong nakita kong namaril at sinabihan ko yung staff ni Mr. Tulfo na kunan ng litrato pero sabi nito mamaya na,” ayon kay Raymond.

Pagdating dun ay umupo siya sa lobby at may nakita siyang isang tao na nakatalikod.  Ilang minuto lang ay lumabas na ito na may kasamang mukhang bodyguard. Nasabi ni Raymond sa katabi niyang staff dun na “Parang pumayat at tumanda siya,” Pagkatapos nuon ay nagpaalam na rin ako para umalis,” dagdag na kwento ni Raymond.

Nagsampa ng kasong Frustrated Murder si Pedrito laban kay Roberto del Rosario. Ang taong inidentify ni Raymond Vargas na nakita  ang umanong bumaril kay Pedrito nung gabing yun.

Matapos ang preliminary investigation, naglabas ang prosecutor ng resolution na DISMISSED ang kaso. Nag-file naman ng Petition for Review si Pedrito sa Department of Justice sa tanggapan ni Sec. Raul Gonzalez.

ABANGAN SA LUNES kung bakit dinismiss ng prosecutor ang kaso ng pamamaril kay Pedrito de Guzman. Ano ang naging batayan nito? Sa LUNES sa pagtatapos, EKSKLUSIBO dito lamang sa “CALVENTO FILES sa PSNGAYON.”

SA MGA biktima ng krimen o may legal problems, maari kayong tumawag sa 6387285 o mag-text sa 09213263166 o 0919­8972854. Maari rin kayong magpunta sa aming tanggapan sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

NAIS KO lamang batiin ng HAPPY BIRTHDAY si Superin­tendent Nelissa Geronimo. Pati na rin ang kanyang ina na si Ester Ortega-Cruz. Imbitado kayong lahat ni Nelissa sa Manila Hotel para sa kanyang ika-30th birthday.

BOBBY DEL ROSARIO

PEDRITO

RAYMOND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with