^

PSN Opinyon

Health tips para tumangkad

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

KAMAKAILAN, nag-breakfast kami ni Ms. Pier Pastor, ang magandang health reporter ng ABS-CBN’s Salamat Dok program. Naikuwento ni Ms. Pier ang kanyang istorya tungkol sa isang panibagong operasyon kung saan maaaring tumangkad ang isang tao.

Ito’y ginagawa sa St. Luke’s at ang operasyon ay tina­tawag na FITBONE. Dinadagdagan ang buto natin sa hita. Kakaiba hindi ba? Magaling na talaga ang ating mga doktor. Kaya lang, P6 million ang halaga ng operasyon. Wow!

Lahat ng mga bagong balita sa kalusugan ay matu­tunghayan ninyo sa programang Salamat Dok, kung saan sina Ms. Cheryl Cosim at Ms. Pier Pastor ang mga host.

Paano ba tumangkad? Para sa kabataan, mas ma­inam na uminom nang maraming gatas habang tayo’y bata pa. Ang gatas ay may calcium, Vitamin B at protina na pam­patangkad. Kailangan ding kumpleto ang tulog ng bata para maglabas ng growth hormone ang katawan para tumaas sila.

Tandaan na kapag umabot na tayo sa edad 21, hindi na tayo tatangkad. Ang calcium sa ating buto ay naiipon habang bata pa tayo. Paglampas natin ng edad 30, ma­hirap nang ma-absorb pa ang calcium.

At heto pa ang masaklap na balita, kapag tayo’y nagka­­edad na, ay liliit tayo ng 10%, mga 3-4 inches. Naku, ku­main na tayo ng dilis at okoy para dumami ang calcium sa buto.

Para sa mga balak mag-asawa ay maganda rin pumili ng babagay sa inyo. Kung matangkad ang inyong partne­r, mas tataas din ang inyong mga anak. Sabi nga ng iba, pa­gandahin natin ang ating lahi.

Marami ka talagang matututunan sa Salamat Dok. Sa katunayan, ang programa ay nanalo na ng limang parangal. Tatlong Anak TV Awards, dahil bagay ang programa sa mga bata at mag-aaral; 1 Golden Dove Award, dahil sa serbisyo publiko at medical mission, at 1 USTV Award, dahil pa­borito ito ng kabataan.

Congratulations to ABS-CBN, Ms. Marielle Catba­gan, Ms. Cheryl Cosim at Ms. Pier Pastor sa lahat ng awards.

* * *

Nagpapasalamat din kami sa Grace Park Lion’s Club ng Caloocan City District 301-D2, dahil sa tatlong taon nilang pag­tulong sa medical mission ng Salamat Dok. Ayon kay Ms. Pier, malaki ang tulong ng Lion’s Club sa pagbi­bigay ng libreng gamot, libreng salamin, at iba pang pondo para sa mahihirap.

Ang presidente ng NGO ay si Ms. Florencia de La Rosa, ang secretary ay si Dr. Susan Galvez, at ang treasurer ay si Ms. Nancy Sy. Nakakasama ko sila sa medical mission at tunay na napakasipag nilang tumu­long sa mga nanganga­ilangan. God bless you po!

* * *

(Manood ng Salamat Dok ng ABS-CBN Channel 2 tuwing Sabado 6 a.m. at Linggo 7 a.m. E-mail: [email protected])

vuukle comment

CALOOCAN CITY DISTRICT

MS. CHERYL COSIM

MS. PIER

MS. PIER PASTOR

SALAMAT DOK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with