^

PSN Opinyon

Tumataas na rin ang gasolina at bigas sa US

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

DITO sa United States ay tumataas na rin ang mga presyo ng mga bilihin at nagrereklamo na ang mga Amerikano.

Dati-rati, ang presyo ng bigas ay $14 per 25 kilos. Ngayon ay $24 na at nauubusan pa ng supply. Kaya, natututo na rin ang mga Kano na bumili nang maraming bigas sakali mang magkaubusan sa tindahan.

Lalong nagsitaasan ang mga presyo rito ng mga produkto na galing sa Pilipinas, China, Thailand, Indonesia, Malaysia at India. Hindi ko alam kung ang dahilan kung bakit nagtataasan ang mga presyo. Naririnig ko lamang ay dahil daw tumaas ang gasolina sa world market kaya apekto ang bilihin sa buong mundo.

Ang presyo ngayon dito ng regular na gasolina ay $3.96 per gallon na dati-rati ay $2.25. Marami ang nagtataka kung bakit tumaas samantalang dito rin naman nanggagaling ang gasoline. Nalaman ko na marami rin palang ini-import ang US sa ibang bansa na tulad ng Middle East.

Noong nakaraang buwan, biglang tumaas ang presyo ng gasolina rito pero bumaba rin naman kaagad ganoon din ang ibang mga bilihin. Hindi bale kung magtaasan ang mga presyo ng mga bilihin dito sapagkat kaya naman ng mga Amerikano dahil malaki ang kanilang kinikita.

Malaki ang pagkakaiba rito sa US kaysa sa Pilipinas. Sa Pilipinas, maraming hindi makabili ng mga pangunahing pangangailanan dahil kulang ang kinikita. Paano pa kung magpatuloy ang pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin? Kawawang Pinoy!

AMERIKANO

KAWAWANG PINOY

MIDDLE EAST

PILIPINAS

PRESYO

SA PILIPINAS

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with