^

PSN Opinyon

“Murder suspect sumuko”

- Tony Calvento -

“Wala akong kasalanan. Hindi ko siya pinatay. Hindi ako kasama sa mga pumaslang sa kanya....”

Ito ang pahayag ni Denmark C. Escalares, akusado sa salang pagpatay kay Arturo Medina noong ika-9 ng Hunyo taong 2007.

Tahasang sinabi ni Denmark sa aming staff na si Kristina “KC” Favor ng siya’y kanyang makapanayam sa aming tanggapan.

Si Denmark ay isinuko sa aming tanggapan ng kanyang sariling ama na si Ranulfo N. Escalares nung Abril 23, 2008.

Nang aming malaman na gustong isuko siya sa amin ng kan­yang ama, agad kaming nakipag-ugnayan sa tanggapan ni Director Nestor Mantaring ng National Bureau of Investigation upang magpadala ng kanyang mga tauhan para sunduin itong si Denmark at dalhin sa tanggapan ni DOJ Sec. Raul Gon­zalez.

Tumawag sa amin si Atty Claro de Castro, Chief ng NBI Interpol at nangako na magpapadala ng mga NBI agents sa aming tanggapan.

 Matapos ang aming programang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” sa radio, dumating na sina Denmark at ang kanyang mga magulang. Makalipas ang ilang sandali dumating naman ang tatlong agents ng NBI-Interpol na sina Atty Jose Gabriel, Raul Tepace at Jun Vergara. Agad nilang dinala si Denmark sa Department of Justice para makaharap si Sec. Raul Gonzalez.

Ano ba ang kasong kinasangkutan ni Denmark? Bakit ba siya itinuturo ng testigo sa kasong ito. Ating alamin ang storya sa likod ng pangyayaring ito.

Una nang nagtungo sa aming tanggapan ang ama nitong si Denmark na si  Ranulfo C. Escalares upang ihingi ng tulong ang kasong kinasangkutan ng kanyang anak.

Ayon sa salaysay ni Ranulfo idinawit lamang ang pangalan ng kanyang anak sa pagpatay kay Arturo sa kadahilanang nagkaroon daw ng pagtatalo sa pagitan ng ina ni Denmark at ni Arturo ng dahil sa nawawalang manok ng pamilya nila Denmark. Ito di-umano ang sinasabing motibo ni Denmark sa pagpatay kay Arturo.

Ika-17 ng Hunyo 2007, bandang 10:00 ng umaga nang magbigay ng sinumpaang salaysay si Fernan Medina kapatid ni Arturo kay SPO2 Isaias l. Reyes sa himpilan ng pulisya sa San Miguel, Bulacan.

Nakasaad sa sinumpaang salaysay na nakita di-umano ni Fernan na tinawag ni Alejandro Jr. ang kanyang kapatid bandang 7:30 ng gabi at umalis ang dalawa. Makalipas ang kalahating oras ibinalita ni Cesario Medina, kapatid din nila Arturo at Fernan na nakitang nakahalindusay si Arturo sa tabing kalsada sa kanilng barangay.

Iniuwi nila si Arturo sa kanilang bahay bago ito dinala sa hospital. Pagdating sa ospital ito ay dineclare ng “dead on arrival.”

Nakasaad din sa salaysay na may nakakitang mga ka-barangay kay Arturo habang pinapalo ito ng matigas na bagay sa ulo at mukha ng tatlong kalalakihan. Narinig din umano ni Leodivina Melgar pamangkin nila Arturo ang naging usapan nila Alejandro Jr. at Cristina Abalos, hipag ni Alejandro Sr., na sinasabi nito na napatay niya si Arturo.            

May mga nakasaksi din sa ginawang pagtulung-tulong nila Alejandro Sr. at Denmark sa pagpatay kay Arturo. Nang dahil sa mga testimonyang ito nahatulan ng murder ang tatlong akusado.

Sa tatlong nasampahan ng kaso tanging si Denmark lamang ang nagbigay ng kontra-salaysay na sinasabi nito na wala siya dun at kasama niya ang kanyang ina. Nandun din daw na kausap niya si Christian Medina.

Nagbigay din ng testimonya ang iba pang kaibigan ni Denmark na kasama niya noong gabi ng maganap ang krimen sina; Angelica Beltran, Manilyn Medina, Lea Medina, Richard Pagaduan, Raymart Bulaon, Sammy Bulaon at Lestin Soliman.

Nagpatunay ang mga ito na noong Hunyo 9, 2007 ay mag­kakasama silang magkakaibigan.

Ayon naman sa kwento sa amin ni Denmark nandun daw sila sa bahay ni Sammy nung gabi ng krimen dahil meroong pag­diriwang sa bahay nito. Pagkatapos nilang kumain ay nagpunta sila sa likuran ng bahay upang mag inuman.

Maya-maya ay pinuntahan daw ni Arturo na galing naman sa harapan ng bahay si Denmark. Mahinahon nag-usap ang dalawa at hu­mingi ng tawad si Arturo kay Alejandro patungkol sa nawawalang manok ng pamilya nito, nang biglang dumating si Alejandro Jr. at kinausap si Arturo makalipas ang pagpapalitan ng salita ng dalawa ay bigla nalang sinuntok ni Alejandro si  Arturo. Nang humupa ang kaguluhan bumalik na sila sa kanya kanyang puwesto.

Nagkayayaan ng umuwi ang mga magkakaibigan. Inihatid sila ng tito ni Sammy gamit ang isang motor. Sa harapan ng bahay ni Arturo sila bumaba at mula doon naglakad na lamang sina Denmark papunta sa kanilang bahay.

Matapos ang preliminary investigation, naglabas na ng resolution ang prosecution office kung saan meron daw “probable cause” para masampahan ng kasong Murder sa korte.

SA NGAYON si Denmark ay nasa pangangalaga ng National Bureau of Investigation at handang harapin ang mabigat na kasong isinampa sa kanya. Ang alam niya ay wala siyang kasalanan kaya nga siya sumuko at hindi tinakasan ang demanda laban sa kanya.

MGA BIKTIMA ng krimen at karahasan o may legal problems, maari kayong tumawag sa 6387285 o magtext sa 09213263166 o sa 09198972854. Maari din kayong pumunta sa aming tanggapan sa 5th floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

E-mail add: [email protected]

vuukle comment

ALEJANDRO JR.

ARTURO

COUNTRY

DENMARK

PLACE

REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with