^

PSN Opinyon

Pabaya ang abogado

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

KASO ito ng JDC at ni Mando. Nobyembre 1993 nang mag-umpisang magtrabaho ang JDC sa gusaling tina­tawag na RM Plaza, nagsimula ang pagguho ng lupa sa katabing lupa na pag-aari nina Mar, Ella at tatlo nilang anak. Nagkaroon ng malalaking bitak ang semento ng dingding at pader ng gusaling kanilang tinitirhan. 

Noong Pebrero 1994, nagkasundo ang pamilya at si Mando  (project designer ng RM Plaza). Aayusin ng JDC ang gusaling nasira at ibabalik ang pundasyon na nasira. Ayon din kay Mando, magbabayad ng danyos ang JDC para sa anumang nasira. Ngunit bandang huli, hindi rin nagbayad ang kompanya ng danyos dahil napag-alaman daw na ang basa at buhaghag na lupa sa palibot ng gusali ang sanhi ng pagguho ng gusali ng pamilya.

Itinuloy pa rin ng JDC ang ginagawang pagtatayo ng RM Plaza kahit pa mayroon ng “stop work order”. Na­ sira ang mga katabing gusali pati na ang sa pamilya. Da­hilan upang magsampa ng kaso ang huli sa korte.

Mabuti na lamang at nagkasundo sila bago mag-umpisa ang paglilitis. Aayusin ng JDC ang gusali ng  pamilya at ang bumigay na pundasyon at ang maiiwan na lamang ay ang danyos. Aantayin ng magka­bilang panig ang desisyon ng korte tungkol sa isyung ito.

Pagkatapos ng paglilitis, nagdesisyon ang korte tungkol lamang sa danyos. Magkasamang pinagbabayad si Mando at ang JDC ng P500,000 (moral damages), P200,000 (exemplary damages), P50,000 (attorney’s fees) at ang nagastos sa paglilitis. Inutusan din ang JDC at si Mando na ibalik sa ayos ang lupa at orihinal na pundasyon ng gusali ng pamilya.

Inapela ng JDC at ni Mando ang desisyon ng korte ngunit wala ring nangyari. Ngunit noong Pebrero 17, 2005, binabaan lamang ng Court of Appeals ang halagang P500,000 at ginawang P300,000. Ngunit pareho pa rin ang naging desisyon tungkol sa ibang aspeto. Ang desis­yon para kay Mando at sa JDC ay ipinadala sa opisina ng abogado nila noong Marso 2, 2005.

Lumalabas na lumipat na pala ng opisina ang nasabing abogado at hindi ito ipinaalam sa Court of Appeals. Kaya ang nangyari, noong Marso 17, 2006, naging pinal ang desisyong ginawa noong Pebrero 17, 2004. Nang mala­man ito ni Mando at ng JDC, mahigpit nilang tinutulan ang de­sisyon. Hindi pa raw natatapos ang kaso dahil hindi pa naman sila nakatanggap ng kopya ng desisyon.  Tama ba sila?

MALI. Nakalulungkot man, ngunit ayon sa batas, itinuturing na nakatanggap na sila ng kopya ng desisyon. Nagpabaya ang kanilang abogado nang hindi nito sinulatan ang Court of Appeals tungkol sa paglipat nito ng opisina. Nadamay na rin sila kahit na hindi sila naka­tanggap ng kopya ng desisyon dahil binibigyan lamang sila ng 15 araw mula Marso 2, 2005 (ang petsa ng pagkakapadala ng kopya sa dating opisina ng abogado nila) upang mag-apela. Hindi nagkamali ang Court of Appeals nang ituring nitong tapos na ang kaso (Jarson Development Corporation et. Al. vs. Estrella et. Al., G.R. 172750, January 28, 2008).

COURT OF APPEALS

JDC

MANDO

MARSO

NGUNIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with