Ang dahilan ng stroke
Dear Dr. Elicaño,
Isa ako sa mga sumusubaybay ng iyong column dito sa NGAYON. Hindi ako nawawalan ng kopya kapag Linggo. Ako po ay 50 taong gulang na. Gusto ko po sanang talakayin ninyo ang may kaugnayan sa stroke. Ano po ang mga nagiging dahilan ng stroke? —MARIANO SALAMAT ng
Ang tinatawag na atherosclerosis ang pinaka- karaniwang dahilan ng stroke. Ito ay ang pagkitid ng major arteries o ugat na nagsusuplay ng dugo sa utak. Kapag kumitid ang ugat magkakaroon ng obstruction o di kaya’y hemorrhage. May pagdurugo sa utak na sanhi naman ng deformity ng blood vessels at ito ang tinatawag na aneurism.
Ang stroke ay maaaring maging temporary, o mild ang pinsala, maaaring humantong sa pagka-paralysis o pagkawala ng function at maaaring mamatay sa loob ng ilang oras ang nagkaroon nito.
Karaniwang apektado ng stroke ang mga taong nasa edad 40 pataas.
- Latest
- Trending