Kagitingan

Pilipino at Hapones noo’y magkalaban

sa isang digmaang sa wari’y ubusan;

malakas ang p’wersa ng mga kalaban

kaya mga Pinoy medyo napipilan!

 

Kawal Pilipino nang panahong iyon

kapos sa manpower sa armas at kanyon;

sila’y nangungubli sa bundok at nayon

paisa-isa lang tumarget ng Hapon!

 

Mga Pinoy noon dahil sa matapang

naging gerilyero sa pakikilaban;

ang baril ay “pakbong” putok ay isa lang

sa bawa’t pagputok –- baril babalahan!

 

Sa style na ito ay hindi sumuko

mga kawal nating sa gyera’y nasubo;

dahil sa ang Sakang ay may pagkatuso

maraming binihag silang Pilipino!

 

Ang mga nabihag nating mga kawal

iginapos lahat saka pinaglakad;

ang paglakad nila’y tinawag na “death march”

maraming nasawi ang iba’y nangayayat!

 

Lakad sige lakad –— hindi kumakain

at ni walang tubig na sila’y inumin;

mga nadarapa’y may palo ng baril

mga nanghihina’y pinapatay pa rin!

 

May mga dayuhang sila ay kasama

pagka’t sa labanan ay kasimpatiya;

dinanas din nila nasabing parusa

kaya bayani ring matatawag sila!

 

Mula Corregidor hanggang sa Bataan

mga kawal nati’y tsampiyon sa lakaran;

at doo’y nasubok ang lakas at tapang

ng mga kalahing saksakan ng tibay!

 

Tuwing Abril 9 ay ginugunita

naging sakripisyo ng mga kabansa;

Pagka’t Araw ng Magiting ipagdasal nawa

mga kababayang namatay sa digma!

Show comments