^

PSN Opinyon

Ano ang colon cancer?

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

SI dating President Corazon Aquino ay natuklasang may colon cancer. Sumasailalim sa chemotheraphy si Cory at ayon sa kanyang kaanak, bumubuti ang kalagayan ng dating Presidente.

Ano ba ang colon cancer?

Ang colon cancer ay ang tinatawag na cancer sa mala­king bituka. Malaki ang kaugnayan ng sakit na ito sa pagdumi. Sa pagbabago ng tinatawag na bowel flora nagpo-produce ng carcinogens sa ingested foods. Apektado ang mga hindi regular ang pagdumi lalo na ang mga taong kulang na kulang sa fiber ang kinakain. Mahalaga ang pagkaing may fibers para sa regular at maayos na pagdumi. Mahalaga ring dietary factors ang pagdaragdag sa pagkain ng karne at mataas na consumption ng fat at calorie.

Sa pag-aaral, natuklasan na ang mga taong may malaking bowel polyps ay malaki ang panganib na magkaroon ng cancer sa colon.

Nade-detect ang cancer sa colon sa pamamagitan ng proctosimoidoscopy at colonoscopy. Ito ay ang paggamit ng fiber optics. Isang paraan din ay ang paggamit ng doublke contrast barium enema x-ray. Ang pagsusuri sa dugo na tinatawag na Carcino-embryonic antigen ay malaki rin ang naitutulong para madetect ang cancer sa colon.

Sa isang pagsasaliksik na ginawa sa Roosevelt Hospital sa New York City, isang cholesterol lowering medication ang natuklasang maaaring makatulong para ma­bawasan ang panganib sa pagkakaroon ng colon cancer. Ito ay ang pagko-combine ng aspirin at ng lovastatin at napatunayang nababawasan ng 86 percent ang panga­ nib sa colon cancer. Sa kombinasyon ng dalawang na­bang­git na gamot, napipigilan ng mga ito ang paglaki ng cancerous cells at nadadagdagan ang bilang ng mga namamatay na bad cells.

Dapat din namang tandaan na mahalaga sa diet at sa regular na pagdumi ang pagkain ng mga sariwang gulay at prutas. Huwag itong kalilimutan para makaiwas sa pagkakaroon ng colon cancer.

vuukle comment

CANCER

COLON

MAHALAGA

NEW YORK CITY

PRESIDENT CORAZON AQUINO

ROOSEVELT HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with