^

PSN Opinyon

Saging at bigas

DURIAN SHAKE -

ANG ekonomiya ng Timog Mindanao ay talagang agriculture-based. Ang rehiyon ay tinaguriang third biggest producer ng saging sa buong mundo. Kung export earnings ng bansa ang pag-uusapan, pinakamalaki ang naiambag ng kinikita ng saging dito.

Ang total land area na tinaniman ng saging sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon ay  umabot na rin sa may higit 10,000 hectares. Ngunit ito ay katiting lang sa total land area ng mga palayan dito. Bukod sa saging, ang rehiyon ay sagana rin sa iba’t ibang klase ng prutas at gulay.

Subalit dahil sa laki talaga ng kinikita ng banana export, may mga negosyanteng pumasok din sa nasabing industriya, ginagawa ang land conversion at pinipilit gawing banana plantation ang mga malalawak na lupain na dati ay palayan o kung di kaya’y gulayan o fruit orchard.

May mga bagay ding dapat pagtuunan ng pansin bago ang isang lupain ay maaring maging banana plantation —— na ang social costs ay hindi mataas at mas marami ang positibong benepisyo para sa mga mamamayan sa isang lugar. At mahalaga rin na  maisakatuparan ang lahat ng environmental requirements dahil talagang napakalaking damage ang nagagawa ng mga chemicals na ginagamit sa mga banana plantations.

Iginigiit ng mga banana companies at maging ng mga banana growers na ginagampanan naman nila ang dapat gawin kung ang pag-usapan ay precautionary measures. Higit sa lahat, pinagmalaki nilang maraming tao sa kanayunan ang nabigyan ng trabaho ng kani-kanilang mga plantasyon.

At heto tayo ngayon sa kalagitnaan ng napabalitaang “food crisis”. Karamihan dito ang land conversion ang tinuturong dahilan. Nang dahil nga raw sa saging ay kaya naging kaunti na lang ang produksyon ng bigas dito sa rehiyon.

Ngunit ayon sa mga opisyales ng National Food Authority dito at maging ng mga local government officials, ay walang krisis sa supply ng bigas dito sa rehiyon. At lalong walang krisis sa pagkain dito dahil sa sinasabi ngang ang bahaging ito ng Pilipinas ang food basket ng bansa. 

Gaya ng naranasan ng mga nasa iba’t ibang sulok ng Pilipinas, ang problema ay ang talagang pagtaas ng presyo ng commercial rice na ang pinakamababa ay pumapalo na rin sa P32 to P35 bawat kilo. Ang pilahan sa NFA rolling stores dito ay pahaba nang pahaba habang gumugulo na rin ang distribusyon sa mga parokya ng NFA rice sa mababang halaga na P18.25.

Kahit paano, may ginagawa ring  hakbang ang mga local government units dito sa rehiyon kung paano harapin ang nakaambang problema sa presyo ng bigas. May mga contingency plans ang mga lokal na pamahalaan dito.

Ang organic rice farming ang sagot ng mga mag­sasaka sa Davao del Norte para mas dumami ang kani­lang ani. Sisikapin naman ng mga taga Compostela Valley na ang aanihin nila ay hindi lang bigas kundi ang iba’t ibang root crops din upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan sa pagkain ng mga mamamayan. At mukhang mataas ang produksyon ng palay sa Davao del Sur na ikinatuwa naman ng local officials. Ganun din sa Davao Oriental na kung saan ang masarap na “Banaybanay” rice ay nanggagaling.

At ayon sa NFA dumarating naman sa takdang oras ang inaasahang shipment ng bigas galing Thailand at Vietnam para sa karagdagang supply.

Nakikita naman na ang talagang problema ay ang tila rocket na pagtaas ng presyo ng bigas na hindi kaya ng mga bulsa ng mga mamamayan.

Ngunit kung talagang ‘di mapigilan ang muling pagtaas ng presyo ng bigas, malamang saging ang puwedeng pampatawid-gutom ng mga taga Timog Mindanao.

DITO

NGUNIT

PLACE

TIMOG MINDANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with