^

PSN Opinyon

Pinoys sa US, sabik na sabik sa pagkaing Pilipino

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

ANG mga Pinoy dito sa United States ay sabik na sabik sa pagkaing-Pilipino. Ang problema nga lamang, wala na silang panahon upang magluto sapagkat pagod na sa trabaho. Isa pa, sa kani-l­ang lugar, wala namang ibiniben­tang sahog sa pagkaing Pinoy. Wala ring restawran o foodmart na nagtitinda ng lutong Pinoy.

Kaya masuwerte ang Pinoys sa Los Angeles, San Diego at San Francisco dahil maraming Pinoy restaurants at foodmarts dito. Sa LA, halos lahat ng klase ng Pinoy food pati mga kakanin ay mabibili dito. May mga turu-turo o sitdown     restaurants. Pati mga sikat na food chains sa Pilipinas gaya ng Goldilocks, Max’s, Red Ribbon, Chow King, Jollibee ay pinagkakaguluhan ng Pinoys sa LA, San Diego at San Francisco.

Maraming Pinoys dito sa US ang nanganga­rap na magtayo ng Pinoy food restaurants. Kaya lang, malaki ang hinihinging franchise fee na puwede nang ihambing sa franchise fees ng mga kilalang American restaurants. Maliban sa mataas na franchise fee, dapat masunod ang regulasyon na mayroong sapat na dami ng Pinoys ang naninirahan sa masasakop ng restaurant.

Sa California, mayroong Seafood City na ma­kakabili ka ng mga iba’t ibang sariwang isda o karne na parang nasa Pilipinas ka. Pati mga  gulay at prutas ay mayroon dito.

Kahit saan magpunta ang Pinoy hahanap-hanapin pa rin ang pagiging Pilipino. Nananabik sila sa pagkaing kanila nang kinagiliwan. Sa dami ng Pilipinong dumadating sa US, nasisiguro kong dadami rin ang mga lugar kung saan ma­tatagpu­an ang mga pagkaing-Pinoy.

vuukle comment

CHOW KING

KAYA

LOS ANGELES

MARAMING PINOYS

PINOY

PINOYS

SAN DIEGO

SAN FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with