Si Cheryl Cosim at ang Salamat Dok
MAPALAD akong naging guest sa Salamat Dok, ang may highest rating na health show sa bansa. Ayon sa survey, humahatak ng 7% ang rating ng nasabing show. Hindi pa kabilang dito ang libu-libong TFC subscribers ng ABS-CBN.
Bago ako nag-guest, na-meet ko ang mabait na Executive Producer ng show, si Ms. Marielle Catbagan, kasama si Ms. May Purificacion, ang ABS-CBN Head sa programming. Salamat po sa pagkakataong binigay n’yo sa amin. Sobra ang dedikasyon ng staff ng Salamat Dok, katulad nila Raquel Tagle, Michelle, Alex at Otek, na makapagturo at makatulong ang show sa mga manonood.
Mabunga ang guesting ko at pagkatapos ng show ay napuno ang cell phone ko ng 50 messages at 10 missed calls. Ang batikang host ng Salamat Dok ay ang magandang si Ms. Cheryl Cosim. Isa sa pinaka-credible na TV host si Cheryl dahil charming at intelihente siya.
Sa katotohanan, si Cheryl ay napakarami nang programa sa DZMM Teleradyo (na mapapanood sa Sky Channel 26). Kabilang ang DZMM News Program ni Cheryl tuwing
“Naku, natutulog ka pa ba?” tanong ko. “May araw na tatlong oras lang ang tulog ko, tapos ay paidlip-idlip na lang sa hapon,” ani Cheryl. “Kailangan mong magre-relaks ng kaunti,” sabi ko. “Malapit na akong mag-settle down. Hinahanda ko na ang sarili,” sabi ng TV host.
Good luck sa magiging bago mong career, Cheryl at Congrats.
* * *
Huli sa lahat, bilib na bilib ako kay Ms. Eder Austrial sa kanyang pag-aasikaso ng daan-daang pasyente sa medical mission ng Salamat Dok. Public service ito ng ABS-CBN. Ang pangako ko kay Ms. Eder ay sasama kami sa kanilang medical mission bawat linggo para makatulong sa ating kababayang naghihirap.
May payo na ang mga experto, may libreng gamutan pa. Iyan ang sekreto ng Salamat Dok sa apat na taong pamumuno sa ere!
* * *
Iniimbitahan ko kayong manood ng Salamat Dok ng ABS-CBN tuwing Sabado 6 a.m. at Linggo 7 a.m. Makinig o manood din ng Magandang Gabi Dok sa DZMM 630 Teleradyo tuwing gabi pagkatapos ng TV Patrol World. E-mail: [email protected]
- Latest
- Trending