^

PSN Opinyon

P43-B inilaan sa food crisis

- Al G. Pedroche -

LIBRENG operasyon sa mga harelip: Bago ang ating main point, public service muna. Magsasagawa ang mga doctor na dayuhan ng libreng operasyon sa mga may bingot o harelip sa Diosdado Macapagal Hospital sa Mabini St. Caloocan, araw-araw simula sa Abril 12, 2008, alas-siete ng umaga hanggang alas-seis ng gabi. Tumawag sa  357-9286 para sa dagdag na impormasyon.

* * *

Kumilos na ang administrasyon laban sa tumitinding krisis sa pagkain. Sa National Food Summit kamakailan, naglaan ang Pangulong Arroyo ng P43.7-bilyon para pasiglahin ang pagsasaka at pangisdaaan. Layunin din nito na protektahan ang mga Pilipino sa epekto ng nagbabadyang krisis sa pagkain. Noon pang nakaraang taon ay may prediksyon na si Agriculture Sec. Arthur Yap tungkol diyan. Base sa panukala niya, inilaan ang P43.7 bilyon package na tinaguriang FIELDS. Iyan ang acronym ng: F-ertilizer, I-rigasyon, E-dukasyon at pagsasanay ng mga magsasaka at mangingisda, L-oans, D-ryers at iba pang post-harvest facilities, at S-eeds ng mga certified at hybrid varieties.

Sa kabuuang halaga, P500 milyon ang ilalaan sa     fertilizer support mula sa Agricultural Competitiveness  Enhancement Fund (ACEF), P6 bilyon para sa irigasyon, at P6 bilyon pa para sa farm-to-market roads (FMRs) at iba pang imprastruktura gaya ng roll-on roll-off (RORO) ferry terminals.

Limang bilyon ang mapupunta sa pagsasanay ng mga magsasaka sa mga makabagong teknolohiya at research and development (R&D). Ang hatian dito ay P2 bilyon sa R&D, at tig-iisang bilyon naman para sa capacity building, pagsasanay ng mga trainors at extension workers, at sistemang pang-edukasyon sa pagsasaka at pangisdaan.

Ang halagang P15 bilyon, ay ipapautang sa mga magsa­saka, mangingisda at iba pang maliliit na mangu­ngutang sa mga sakahan. Ayon sa Pangulo, kailangang magpasa ng batas ang Kong­ reso na magbibigay ng pahin­tulot sa mga magsasaka na gamitin ang kanilang mga sa­kahan bilang collateral sa mga bangko para makautang.

P2 bilyon naman ang na­ka­laan sa mga dryer at iba pang postharvest support gaya ng storage facilities; at P9.2 bilyon para makapag­ta­nim ng certified seeds nga­yong taon sa 600,000 ektarya at hybrid seeds naman sa 900,000 ektarya sa mga taong 2009 at 2010. Nagpahayag ng suporta sa FIELDS program ng Pangulo sa katatapos na Food Summit ang Philippine Food Processors and Exporters Organization Inc. (Philfoodex) sa pangunguna ng pangulo nitong si Roberto Amores; Phi­lippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa pangu­nguna ng chairman emeritus nitong si Ambassador Donald Dee; Philmaize, na kinakata­wan ni Rosalie Ella­sus; Philippine Association of Broiler Integrators na kinaka­tawan ni Rita Imelda Palab­yab; Philippine Fishing Federation na kinakatawan ni Alonzo Tan; at Philippine Vegetable Council sa pamumuno ni Lyndon Tan.

Pati mga magsasaka at agribusiness leaders ay su­ muporta rin at nagpasalamat sa mga intervention programs ng DA para sa agrikultura. Kabilang diyan sina Felino Garcia ng Bagong Buhay Multipurpose Cooperative sa Sto. Domingo, Nueva Ecija; Elyvic Ardado, isang magsasaka ng mais mula sa lalawigan ng Sa­rangani; Rosalie Ellasus, pangulo ng Philippine Maize Federation; Emilio Estubillo, pinuno ng isang grupo ng mag­bababoy sa South Cotabato; Philippine Association of Broi­ ler Integrators (PABI), sa pa­ma­magitan ng pangulo nitong si Rita Imelda Palabyab; Charlie Cappriccio, na kuma­tawan sa milyun-milyong ma­liliit na mangingisda sa buong bansa; at Marcelino Remo­tigue, na kumakatawan sa mga maggugulay sa Hilagang Mindanao. Visit my blog site at: alped.multiply.com.

AGRICULTURAL COMPETITIVENESS

AGRICULTURE SEC

BILYON

PARA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with