Kapalaran sa ating kamay

NAGING bisita natin kamakailan si Israeli Prof. Aaron Chiechanover, Nobel Peace Prize 2004 winner sa larangan ng Chemistry.  Kinilala nito ang malungkot na katotohanan na masyadong maraming Pilipino ang umaalis ng bansa. Karapatan nga naman ng bawat isa ang maghangad ng mas magandang buhay. Subalit, aniya, sa mga larangan ng kalusugan tulad ng Medisina at Nursing, kung saan may mahigpit na pangangailangan ang ating mga kababayan, dapat sigurong pag-isipan kung paano ito mapipigilan.

 “People can make an impact in their own countries, why do they have to serve Americans, Europeans or Middle Easterners?” Kung imbes na makipagsapalaran sa labas ay dito na lamang palaganapin ang husay at talino, higit na makasisiguro at magiging bahagi sa asenso ng bansa.

Subalit ang katotohanan ay isasakripisyo ang lahat, at titiisin maski digmaan o busabos na pakikitungo kapalit ng pagkakataong makaraos sa hirap ng buhay sa Pilipinas. At hindi sila masisisi. Kahit humihina ang dolyar ay hindi pa rin mapigilan ang pag-alis dahil wala pa ring trabaho dito.

Kabibisita ko pa lang sa HongKong, isa sa mga sentro ng puwersang OFW – hindi matatawaran ang paghanga ko sa pagpupursigi ng ating mga bagong bayani. Buo ang aking paniwala na kung mabibigyan lang sila ng pagkakataon ay wala sa kanilang mag-aatubiling umuwi   at buhatin ang bansa.

Nakalilito nga lang. ZTE-NBN hindi pa natatapos, heto na naman ang Subic- Hanjin at ang rice shortage, latest sa mahabang listahan ng iskandalo ni Gloria. At para bang okey pa rin sa lipunan. Kung gaano kaatat ang mga propesyonal na umalis, ganun naman kahaba ang pisi ng tao sa mga pagkukulang ng pamahalaan.

Ano bang punto natin? Kapag taas kamay na tayo ngayon at sumuko, parang sumuko na rin tayo sa ating kinabukasan bilang ban-sa. Kapag nawa­walan ng pag-asa dahil ang mga may kapang­yarihan ay hindi ku­mikilos, bagkus  sila pa ang nagiging da­hilan ng paghihihirap,     higit pang kailangan na tayo’y kumilos. Andyan   sila dahil sa ating suporta – nananatili sila diyan da-hil sa kawalan natin ng pakialam.

Ang aral na napulot sa Edsa ay simple – sa huli    ay nasa kamay din natin ang  ating kapalaran.

Show comments