Hustisya kay May Vecina
IBA-IBA ang reaksyon ng publiko sa kaso ni May Vecina, ang OFW na may kaso ngayon sa
Ang sinasabi ko naman, dapat ibahin natin ang ating pagtingin kay May, dahil alam naman natin na hindi naman talaga siya isang hardened criminal. For the record, walang criminal na OFW na umaalis sa Pilipinas, dahil lahat sila ay kailangang kumuha ng NBI clearance bago sila umalis, bilang patunay na wala silang criminal record.
Nakikita ko ang possibility na maaaring nag-suffer ng temporary insanity si May noong ginawa niya ang krimen, at ito dapat ang anggulo na tinitingnan ng mga abogado na nagtatanggol sa kanya. Malaki rin ang possibility na inapi si May ng kanyang mga employer kaya nagkaroon siya ng temporary insanity.
Naaalala ko na sa kaso ni Sarah Balabagan, hiningi ko ang tulong ng British Ambassador sa UAE, dahil British nationals ang pamilya ng biktima, at bawal sa Britain ang death penalty. Sa ngayon, mayroon nang European Union (EU) na nagbabawal din ng death penalty, kaya sa tingin ko, dapat ding lapitan ng ating Embassy ang EU ambassadors sa UAE.
Iba-iba rin ang lumalabas na balita tungkol sa tulong na ibinibigay kay May. Ayon sa gobyerno, ginagawa raw nila ang lahat upang matulungan si May, ngunit ayon naman sa Migrante International, kulang ang pagkilos ng gobyerno. Sino kaya ang nagsasabi ng totoo?
Sa ngayon, mukhang ang malinaw pa lang ay ang katotohanan na wala pa o di kaya kulang pa ang pondo para sa blood money na dapat ialok sa pamilya ng biktima. Kung may pondo na, hindi na dapat sinabi ni Justice Secretary Raul Gonzales na mag-ambag-ambag ang mga OFW para sa blood money.
* * *
Makinig sa KOL KA LANG sa Radio Veritas 846 khz 5 to 6 Mon to Fri. E-mail [email protected], text 09163490402, dumalaw sa www.royseneres.com, tumawag sa 5267522 at 5267515. OFW Family Club
- Latest
- Trending