^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Maraming bigas, maraming smugglers

-

SABI ng Malacañang, walang kakulangan ng bigas. Ilang ulit na nilang sinabi ang ganito mula nang uminit ang isyu ukol sa krisis sa bigas. At para patunayan na walang krisis sa bigas, sunud-sunod ang ginawang pagsalakay ng mga kagawad ng National Food Authority (NFA) at National Bureau of Investigation (NBI) sa mga bodega na hinihinalang hino-hoard ang bigas. Na­tagpuan sa mga bodega ang talaksan ng saku-sakong bigas na binili sa ibang bansa.

Maski si President Arroyo ay sorpresang suma-ma sa pagbisita sa isang bodega ng bigas sa kanto ng Perdigon at Figueroa Sts. sa Paco, Manila at natagpuan doon ang maraming bigas na imported pa sa ibang bansa. Ang masama, ang mga bigas palang nakaimbak ay hindi dumaan sa Customs kaya lumalabas na smuggled. Hindi nagbayad       ng buwis ang may-ari kaya malaking halaga ng pera ang nawala sa gobyerno. Hiningi ni Mrs. Arroyo ang Customs receipt at record books sa may-ari ng warehouse at walang maipakita. Nag­pakita ng pagkainis ang Presidente. Okey naman daw bumili ng bigas sa ibang bansa pero ang ma­halaga ay dumaan ito sa Customs.

Marami talagang bigas sa bansa, pero nabuking na ang mga ito ay smuggled. At ang masama pa, smuggled na nga ay iniimbak pa ng mga ganid na negosyante at saka ipagbibili sa mahal na halaga. Hindi lang doble o triple ang kanilang kinikita sapag­kat hindi na nagbayad ng buwis ay ipagbibili pa nang mahal ang smuggled rice. Sobra na ang pagsasa­mantalang ito!

Ang rice smuggling ay matagal nang nang­ya-yari sa bansang ito. Nakapagtataka naman na ang pama­halaan ay tila ba kahapon lamang ipi­na­nga­nak at hindi nalalaman ang talamak na smuggling ng bigas.

Walang problema sa bigas sapagkat nagtusak ito. Ang problema ay ang mga ganid na smuggler at negosyante na patuloy na kumikita habang marami ang nagugutom. Sana nga ay totoo ang sinabi ng gobyerno na mabibilanggo nang ha­bambuhay ang mga nagho-hoard ng bigas. Hindi sana pawang pag­babanta lamang ito na makali-pas ang ilang linggo ay wala nang balita at nali­mutan na. Ipakita ng gobyerno na totoo sila sa salita at gawa.

BIGAS

FIGUEROA STS

MRS. ARROYO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL FOOD AUTHORITY

PRESIDENT ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with