‘Duwag (1)…’

NAGTAGO at tila nabahag ang buntot ng butangerong hepe ng Pagadian City na si P/S Insp. Oscar Buenaobra dahil ni anino nito, hindi nakita ng BITAG ng personal kaming magtungo sa Pagadian City.

Nabalitaan namin na kasalukuyan itong naka-confine sa isang ospital sa Pagadian dahil naputukan ang kanyang kamay ng sarili nitong shotgun.

Masuwerte pa rin si kolokoy dahil hindi pa ito napu-tulan ng kamay na siya niyang madalas gamitin sa pambubugbog at pananakit ng mga mamamayang walang kalaban-laban.

Ang siste, sa ikalawang araw ng BITAG sa Pagadian, araw kung saan pinuntahan namin ang ospital kung saan naka-confine si Buenaobra, nakalabas na daw ito.

Ayon sa ilang medical staffs ng nasabing ospital, babalik daw ang umeskapong hepe dahil bukas pa daw ang sugat nito.

Naamoy ni Mokong na siya ang pangunahing pakay namin sa lugar kaya’t mabilis pa sa alas-kuwatro nagtago na ito.

Kaya’t nagpanggap ang mga BITAG undercover na kamag-anak ni Buenaobra mula pa sa Bicol. Ang palabas, may padalang pera para sa kanya kaya’t kailangang-kailangan itong makausap.

Target ng BITAG na malaman sana ang address ng bahay nito, subalit ang tanging naibigay ng ospital, numero sa bahay ni Buenaobra.

Sinubukan din naming tawagan ang numero ng bahay nito, dito, nagpakilala na kaming taga-BITAG. Unang sumagot, boy daw siya sa nasabing bahay, nasa labas daw ng bahay si Buenaobra.

Ilang minuto lamang ang nakalipas, muli kaming tumawag upang makau-sap na ang aming pakay, nagpakilala namang ka­sam­bahay ang sumagot sa kabilang linya, nakaaalis na daw ito at hindi alam kung saan pumunta.

Layunin lamang ng BI­TAG na makuha ang   panig ng hepeng si Bue­naobra hinggil sa aku­sasyon sa kaniya ng kan­yang mga biktima.

Subalit sa sitwasyong nakita namin sa Pagadian, umandar ang kanyang kaduwagan. Ang siste, hindi siya nagpakita sa BITAG upang makaiwas na magpaliwanag.

Oscar Buenaobra, aka­la ng BITAG ay astig ka? Asan ang tapang na ipi­nagmamalaki mo sa iyong mga nauna ng biktima? Paliwanag lang sa harap ng camera ng BITAG ki­natakutan mo na? Tsk tsk tsk

Isa lamang ito sa na­tuklasan ng BITAG sa Pagadian sa aming pag­punta rito, marami pa ka­ming nalaman sa mga kaso laban kay P/S Insp. Oscar Buenaobra.

Kasalukuyan daw itong ni-relieved o inalis bilang hepe ng Pagadian City dahil sa patung-patong na reklamo ng pananakit at pang-aabuso.

Isa lamang ito, dahil may kasunod pa…

Abangan!

Show comments