‘Duwag (1)…’
NAGTAGO at tila nabahag ang buntot ng butangerong hepe ng Pagadian City na si P/S Insp. Oscar Buenaobra dahil ni anino nito, hindi nakita ng BITAG ng personal kaming magtungo sa Pagadian City.
Nabalitaan namin na kasalukuyan itong naka-confine sa isang ospital sa Pagadian dahil naputukan ang kanyang kamay ng sarili nitong shotgun.
Masuwerte pa rin si kolokoy dahil hindi pa ito napu-tulan ng kamay na siya niyang madalas gamitin sa pambubugbog at pananakit ng mga mamamayang walang kalaban-laban.
Ang siste, sa ikalawang araw ng BITAG sa Pagadian, araw kung saan pinuntahan namin ang ospital kung saan naka-confine si Buenaobra, nakalabas na daw ito.
Ayon sa ilang medical staffs ng nasabing ospital, babalik daw ang umeskapong hepe dahil bukas pa daw ang sugat nito.
Naamoy ni Mokong na siya ang pangunahing pakay namin sa lugar kaya’t mabilis pa sa alas-kuwatro nagtago na ito.
Kaya’t nagpanggap ang mga BITAG undercover na kamag-anak ni Buenaobra mula pa sa Bicol. Ang palabas, may padalang pera para sa kanya kaya’t kailangang-kailangan itong makausap.
Target ng BITAG na malaman
Sinubukan din naming tawagan ang numero ng bahay nito, dito, nagpakilala na kaming taga-BITAG. Unang sumagot, boy daw siya sa nasabing bahay, nasa labas daw ng bahay si Buenaobra.
Ilang minuto lamang ang nakalipas, muli kaming tumawag upang makau-sap na ang aming pakay, nagpakilala namang kasambahay ang sumagot sa kabilang linya, nakaaalis na daw ito at hindi alam kung saan pumunta.
Layunin lamang ng BITAG na makuha ang panig ng hepeng si Buenaobra hinggil sa akusasyon sa kaniya ng kanyang mga biktima.
Subalit sa sitwasyong nakita namin sa Pagadian, umandar ang kanyang kaduwagan. Ang siste, hindi siya nagpakita sa BITAG upang makaiwas na magpaliwanag.
Oscar Buenaobra, akala ng BITAG ay astig ka? Asan ang tapang na ipinagmamalaki mo sa iyong mga nauna ng biktima? Paliwanag lang sa harap ng camera ng BITAG kinatakutan mo na? Tsk tsk tsk
Isa lamang ito sa natuklasan ng BITAG sa Pagadian sa aming pagpunta rito, marami pa kaming nalaman sa mga kaso laban kay P/S Insp. Oscar Buenaobra.
Kasalukuyan daw itong ni-relieved o inalis bilang hepe ng
Isa lamang ito, dahil may kasunod pa…
Abangan!
- Latest
- Trending