Ano ang orgasm?
(Unang bahagi)
ITO yung tinatawag na kasukdulan ng pagtatalik ng lalaki at babae. Ito yung physiological response kung saan ang lalaki ay nagpapalabas ng kanyang semilya. Sa babae, nagaganap ang orgasm kung saan nagka karoon ng contractions ang uterus at vagina. May iba’t ibang stages ang orgasm. Sa unang stage, ang katawan ng isang tao ay excited at sinisilaban sa init. Kasunod ay makadarama ng pagbabago sa katawan. Halimbawa, ang clitoris ng babae ay namamaga at ang kanyang utong ay nakatirik. Nagkakaroon din ng pagbabago sa paghinga, nagiging maikli at ang tibok ng puso ay bibilis. Ang kasukdulan ay ang pagpapalabas ng semilya ng lalaki kung saan ay napakasarap ng kanyang pakiramdam. Isang hindi mapapantayang kasiyahan sa panig ng lalaki.
Gaano raw ba tumatagal ang orgasm? Ang orgasm ay tumatagal depende sa indibidwal. Ang ibang babae ay nakararanas ng orgasm sa loob ng ilang minuto subalit sa iba ay mas mabilis pa o iglap lang. Imposible naman na makaranas kaagad ng orgasm kung katatapos pa lamang “labasan”. Halimbawa, katatapos pa lamang “labasan” ay eto na naman at mag-oorgasm na naman. Hindi totoo ang gayun
Hindi rin naman maaaring pekein ang orgasm. Halimbawa hindi maaaring sabihin ng lalaki sa kanyang partner na nag-orgasm na siya sapagkat malalaman ito ng babae kung nilabasan na nga o hindi. Ganoon man, maaaring makumbinsi ng babae ang kanyang partner na nag-orgasm na siya at ipakikitang nasiyahan sa pakikipagtalik kahit hindi.
Ang utak ay may malaking bahagi sa pagkakaroon ng orgasm ng bawat indibidwal. Hindi lamang ang emotions, heart rate at paghinga ang idinidikta ng utak, kundi ganoon din ang pagdating sa rurok ng kasuk dulan.
- Latest
- Trending