^

PSN Opinyon

Rice switching sa Isabela

- Al G. Pedroche -

SINIBAK na ni Agri Sec. Arthur Yap ang mga tiwaling opisyal ng NFA sa Isabela dahil sa eskandalo ng rice repacking sa lalawigan. Nakapanlulumo ang video footage na ipinalabas ng ABS-CBN. Kuha ng spy camera ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa operasyon nito sa Isabela. Nakita ang aktuwal na pagde­deliver ng NFA rice ng isang truck sa isang lugar at ang pagsasalin nito sa ibang sako para maibenta bilang commercial rice. Ayon sa CIDG nai-report na ito sa National Food Authority (NFA) pero hindi raw agad inaksyu­nan. Bakit po?

Naniniwala ako sa sinabi ni Agriculture Secretary Arthur Yap. We have an abundance of rice. Siguro pagsama-samahin na riyan yung inangkat mula sa Thailand at yung sarili nating ani. Pero ang mas importante ay ma-afford itong bilhin ng mga mahihirap nating kapwa Pinoy. Diyos­me! Umaabot na sa P40 ang kilo ng espesyal na bigas habang hindi naman available yung para sa masa. Kahit sa programang Bitag ng ating kasamang kolumnis- tang si Ben Tulfo ay ilang beses nang ipinakita ang spy-video na nagpapakita sa pagnanakaw ng mga tiwaling negosyante. Unfortunately, nagpapasasa pa rin hangga ngayon ang mga rice hoarders. Sana, sa aksyon ngayon ng gobyerno’y matuldukan na ang anomalyang ito.

I’m sure hindi magugustuhan ni Sec. Yap ang nangya­yaring ito. Mababale-wala ang mga magaganda niyang ginagawa para pataasin ang ani ng bansa. Ang lagay ba naman eh, yung may pera lang ang puwedeng magsaing at kumain ng kanin?

I believe the last bastion of Presidente Arroyo to save her leadership is the poor sector of society. Huwag nating pabayaang magutom ang mahirap na sector ng lipunan dahil kapag iyan ang nag-alsa, mas maalsa pa iyan kaysa bigas na laon. Baka (God forbid) madugong rebo­lusyon ang katumbas.

Natalakay na natin kamakailan ang iba’t ibang factors na naka­kaapekto sa supply ng pagkain. Mga world factors na wala tayong kontrol. But at least, being an agricultural country, may inaani pa rin tayong bigas at iba pa ng halamang ma­kakain. Salamat sa biyaya ng Diyos! Pero aanhin ang malaking supply ng pagkain kung hindi naman maaabot ng mga kababayan nating mahirap?

God gave the world ample provision for all people, rich or poor. Sana, sana lang, gu­mawa na ng epekti­bong hakbang ang gob­yerno para sa ka­pa­kanan ng mga ma­hihirap. Pantawag pan­sin po ito sa gobyerno. Habang kulang ang murang bigas sa mer­kado, hindi natin pag­sasawaang ulit-ulitin ito.

Uulitin ko, dapat nang gumamit ng kama- ong-bakal ang gobyer­no laban sa mga hoarders ng bigas na mara­hang pumapatay sa mga kababayan nating mahihirap.

Kung hindi, iisipin ng taumbayan na mga taong gobyerno mismo ang sangkot sa kati­walian ng pandurugas ng bigas.

AGRI SEC

AGRICULTURE SECRETARY ARTHUR

ARTHUR YAP

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with