^

PSN Opinyon

P/S Insp. Oscar Buenaobra, umpisa pa lamang ‘to!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

MAY ilang araw ding natahimik ang kapaligiran at na­walan ng pasok sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa nagdaang Semana Santa.

Subalit sa BITAG, hindi natigil ang pagdadatingan ng mga sumbong, reklamo at mga tip maging nitong nag­daang Biyernes Santo.

Isang e-mail ang natanggap ng BITAG mula sa isang anonymous sender, isang concerned citizen daw siya   mula sa Pagadian City.

Ang nilalaman ng kanyang e-mail, isang tip sa mga ilegal na gawain pa raw nitong si P/S Insp. Oscar Tan Buenaobra.

Sino bang makakalimot sa Chief of Police ng Pagadian City na nambugbog ng dalawang kababaihan noong    Christmas eve.

Malas lang niya, mula pa sa Pagadian lumuwas ang dalawang kababaihang biktima upang iparating sa BI­TAG ang kawalanghiyaang ginawa sa kanila ng hepeng si Buenaobra.

At ngayon, isang bagong tip mula sa isang concerned citizen ng Pagadian na nagsasabing hindi lamang daw mga insidente ng pambubugbog o human rights violation ang kinasasangkutan ni Buenaobra.

Ayon sa e-mail, “What is shown and is said about this person is just a tip of the iceberg. There are a lot more anomalous things he is still doing until now. He is currently the protector of the illegal gambling activities….”

Ilan pa sa nilalaman ng nasabing e-mail ay eto: “The video karera machines were rampant all over the city, it can be found very easily in the urban areas…”

At sa huling bahagi ng e-mail ng sender, “I brought out this issue because the local officials especially the mayors were dumb deaf to the rampant operations of these illegal gambling activities…”

Hindi inilagay ng BITAG sa kolum na ito ang kabuuan ng nasa­bing e-mail, kukula-  ngin ang espasyong ito kung magkagayon.

Ganunpaman, hindi sinasabi ng BITAG na        totoo ang lahat ng im­pormasyong binang­git ng sender sa kan­yang e-mail.

Subalit iisa lamang ang nakita ng BITAG sa concerned citizen na ito ng Pagadian, pareho kami ng krusada na labanan at isiwalat ang mga kabantutan ng abusadong otoridad na si Buenaobra.

At eto ang susunod na target ng BITAG ngayon, lumabas ang katotohanan at mabig­yan ng hustisya ang kanyang mga naging biktima. Dagat man ang pagitan…wala kaming pakialam sa BITAG!

vuukle comment

BITAG

BUENAOBRA

PAGADIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with