^

PSN Opinyon

Mayor Lim, umaksyon ka na sa ginagawa ni Bgy. Chairman Joey Carranto

- Bening Batuigas -

HINDI lamang pagmomonopolya sa softdrinks ang pinag­­kakaabalahan ni Barangay 658 Chairman Joey Carranto ng Intramuros, Manila kundi ang pagre-restor ng mga condemned na mga gusali diyan sa kahabaan ng Sta Potenciana Street. Ito ang ipinarating ng ilang nagmama­lasakit na constituents niya sa akin na labis na ang pag­kairita sa pagka-iresponsable niya sa kanyang nasasa­kupan, he-he-he!

Ayon sa kanila ang mga gusali umano na matagal nang abandonado matapos na masunog ay muling ipinaga-gawa niya upang gawing boarding houses. Karamihan sa kanyang mga parukyano umano ay pawang mga estudyante na nanggaling pa sa malalayong probinsiya.

Ang inaalala ng mga residenteng nagmamalasakit sa kaligtasan ng mga estudyante ay kung sakaling magka­roon ng malakas na paglindol tiyak na guguho ang mga ito dahil mahihina na ang mga pundasyon at mga pader ng naturang gusali. Tama nga naman itong reklamo nila dahil pagnagkataon, malaking trahedya na naman ito sa ating kasaysayan. Get mo Sir?

Nagiging banta rin ito sa mga residente dahil sa kalu­maan na ng gusali maaaring gumuho ang mga ito sa pagsapit ng tagbagyo. Aba Mayor Lim umaksyon ka agad bago mangyari ang kanilang kinatatakutan!

Sa ngayon umano, abalang-abala si Chairman Carran­to sa kanyang negosyong softdrinks na hindi alintana ang paghambalang ng kanyang mga delivery truck sa may kahabaan ng Cabildo St., at pinipilit pa ang lahat ng mga vendors na isang uri lamang ng softdrink ang maaaring ibenta sa kanyang kaharian. Grabe na ito mga suki, he-he-he!

Isang nagngangalang Mayette umano ang kanyang kontak sa Intramuros Ad­­ministration upang mamo­no­polya ang pag­titinda ng softdrinks. Ika nga’y zero performance si Chairman Carranto sa kanyang ba­ rangay biga­tin naman sa kan­yang negosyo, he-he-he! Ang masakit pa nito ay mara­ming alaga uma­no si Carranto na mga bo­tante na nanggagaling pa sa Cavite kaya muling nana­lo noong nagdaang Election. He-he-he! Buwe­nas talaga si Carranto mga suki!

Mantakin n’yo bukod sa pagmonopolya sa zero soft­drinks at boarding houses ay may sarili pa palang Flying Voters kaya nang manalo ay na­ pababayaan na niya ang peace in order sa kan­yang Barangay. Nakupo! Mayor Lim kumilos ka sa iyong kinatutulugan at baka mabulaga ka na lang sa naka-ambang pa­nganib na mangyari sa mga boarding houses ni Chairman Carranto at ga­ noon din ang paglaga-nap ng krimen.

Calling Tourism Secretary Ace Durano Sir! Paki-pukulan mo nga ng konting pagtingin ang reklamo ng mga resi­dente at mga magulang ng mga estudyante riyan sa inyong ipinagmama­laking Historical Intra­muros Wall at baka may matuklasan kang mga lihim.

Nag-ugat ang pagbu­bulgar ng ilang residente ng Bgy. 658 matapos ba­rilin ng kapatid ni Chair­man Carranto na si Pakoy ang isang vendor na si Maximo Dela Rosa at pi­ natakas umano ito gamit ang service patrol ng ba­rangay.

At halos linggu-linggo ay may patayan na sa kanilang lugar kabilang na rito ang pagkamatay ng seaman na si Antonio Serudad at ang dalawang graduating Civil Enginee­ring students ng Mapua Institute of Technology na sina Jose Mari Villa­real at Gino Ray­mundo ngayong buwang ito.

Calling Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ronaldo Puno Sir! Paki-imbestigahan mo nga Sir itong kapabayaan ni Chairman Carranto sa mga nagaganap na pata­yan. Abangan ang magi­ging kasagutan ng mga butihin nating opisyales.

ABA MAYOR LIM

CARRANTO

CHAIRMAN CARRANTO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with