^

PSN Opinyon

Chairman Joey Carranto, hanapin mo ang iyong kapatid na si Pakoy!

- Bening Batuigas -

NAKABABAHALA na ang sunud-sunod na patayan sa kaharian ni Chairman Joey Carranto ng Barangay 658, Intramuros, Manila. Labis ang takot ng mga estudyante matapos umanong barilin ng kapatid ni Chairman Carranto na si Pakoy ang isang vendor na nakilalang si Maximo dela Rosa sa may panulukan ng Sta. Potenciana at Cabil­do Sts., noong Marso 4 ng gabi.

Matapos umano ang pamamaril ay agad itong tumakas gamit ang patrol car ng barangay sa pagtatago habang ang biktimang si Dela Rosa ay kasalukuyang ginagamot sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa isang tama ng bala sa mukha.

Aba, Manila Mayor Alfredo Lim Sir, pakiimbestigahan mo po si Chairman Carranto kung bakit nagamit pa ng kanyang kapatid ang service ng barangay sa pagtakas. Ikaw lamang ang pag-asa ng kapamilya ni Dela Rosa para mahuli si Pakoy at mapanagot sa batas. Ayon kasi sa mga kausap ko, labis ang kanilang paghanga sa iyo matapos mong ipakulong ang iyong anak na si Manny nang ito’y mahuli ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa isang intrapment sa Binondo kamakailan.

Ni hindi mo nga raw binigyan ng abogado si Manny, bagkus pinapurihan mo pa ang mga tauhan ni Santiago na humuli rito. Ganyan ka kabilis Mayor Lim sa pag- aksyon sa mga taong nagkakasala sa batas kahit maging ito ay sarili mo pang anak. Get mo Sir?

Dapat lang na tularan ni Chairman Carranto si Mayor Lim para mawala ang agam-agam na ikaw mismo ang nagtatago sa kapatid mong si Pakoy. Hala kilos na, hanapin mo ang iyong kapatid para mapanagot sa kan­yang kasalanan, he-he-he!

Huwag mong pairalin sa iyong sarili ang kasabihang “Blood is thicker than water” kung sa kasamaan lamang ito nagagamit. Alalahanin mo na halal ka ng barangay at nararapat lamang na maging parehas ka sa lahat upang mapanatili mo ang mahusay at matahimik na panunung­kulan. Ikaw ang itinuturing na ama ng barangay kaya nararapat lamang na ipagkalob mo sa kanila ang tamang pamamalakad. Get mo, Chairman, he-he-he!

At nitong Marso 8 ay muling nabulabog ang mga residente nang pagsasaksakin ang seaman na si Antonio Serudad ng dalawang lalaki na nakilala lamang sa alias “Jayson” at “Alvin” sa may Magallanes St. dakong alas-12 ng tanghali. Patay si Serudad at naglahong parang bula ang mga salarin na ayon sa mga aking nakausap ay patuloy na gumagala-gala lamang ang mga ito sa kaharian ni Chairman.

Naging palaisipan sa mga constituent kung bakit walang pulis na gumagala sa kaharian ni Chairman kaya malaya ang mga pusakal na makapambiktima ng mga inosenteng mamamayan. Mukhang may itinatago kang baho sa kapulisan kaya malamya rin ang pananaw ng mga pulis sa inyo.

Kung nais mong maresolba ang mga krimen sa iyong kaharian ay makipag-ugnayan ka kay Supt. Rogelio Rosales, hepe ng Ermita, Police Station upang magka­pagsagawa sila ng Anti-Crime Drive Operation nang malinis yang lugar mo sa mga pusakal na nagtatago sa iyong lungga. Get mo Sir, he,he,he!

At ang pinakahuling biktima, Chairman Carranto ay ang dalawang graduating na Civil Engineering student ng Mapua na nakilalang sina Jose Mari Villareal at Gino Raymundo sa iyong kaharian at ang suspek ay nakilalang si Genesis Gabriel Pongol, alias “Kidlat”.

Mukhang kulang ang peace in order na ipinatutupad mo sa iyong barangay kaya kinakatakutan na ng mga estudyante at maging ng mga turista. Mukhang mas abala ka pa umano sa pagpapakalat at pagmonopolya sa negosyo mong softdrink.

Calling Mayor Lim, paki aksyunan mo ang reklamong ito na ipinarating sa akin ng mga estudyante ng mga unibersidad sa kapaligiran ng Intramuros. Halos hindi na madaanan ng mga motorista ang Cabildo St., dahil nakahambalang ang mga delivery truck ni Chairman Carranto.

CHAIRMAN

CHAIRMAN CARRANTO

CITY

MAYOR LIM

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with