^

PSN Opinyon

‘May allergy ako’

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

“Dear Dr. Elicaño, meron po akong allergy. Kapag naka­kain ako ng hipon ay namamaga ang aking mukha. Ano ba ang dapat gawin kapag umatake ito? Ano rin po ba ang anaphylaxis?” —Sonia A.

Maraming pagkain at inumin ang nagdudulot ng allergic reaction. At ang ganitong pangyayari ay hindi dapat ipagwalambahala.

Ang anaphylaxis na binanggit mo ay allergic reaction. Kapag nagkaroon ng anaphylaxis, mahihirapan sa paghinga, bababa ang blood pressure, mamamaga ang bibig at lalamunan at maaaring mawalan ng malay. Maaaring ikamatay ang anaphylaxis.

Ang anaphylaxis ay mararanasan sa loob ng 15 minuto makaraang magkaroon ng contact sa allergen. Ang sinto­mas ay maaaring mawala sa loob ng ilang oras. Kapag naaagapan ang anaphylaxis, malaki ang pagkakataong maka-survive. Ang sinumang may sintomas ng anaphylaxis ay kinakailangang dalhin kaagad sa ospital. Hindi dapat ipagwalambahala ang sintomas ng anaphylaxis. At kahit na nawala na ang mga sintomas ng anaphylaxis nararapat pa ring manatili sa ospital ang pasyente.

Ginagamot ang anaphylaxis sa pamamagitan ng pag-iineksiyon ng epinephrine. Kaya ipinapayo sa sinumang nakararanas ng severe allergic reaction, nararapat na magdala ng emergency dose ng epinephrine sa lahat ng oras. Lagi ring dalhin ang identification card na kinaro­roonan ng inyong medical history at allergies.

Maaari kayong bigyan ng doktor ng prescription ng epinephrine kung inyong kailangan. Tanungin ang inyong doktor o ang pharmacist para maturuan kayo sa mga gagawin tungkol sa tamang paggamit ng epinephrine. Kapag aksidenteng nai-inject ang epinephrine na hindi tama ang quantity maaaring magbunga ito ng serious complications. Available ang epinephrine sa “easy-to-use pen” form. Maaari itong i-inject kahit na may suot na damit.

vuukle comment

ANAPHYLAXIS

ANO

DR. ELICA

EPINEPHRINE

GINAGAMOT

KAPAG

MAAARI

SONIA A

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with