^

PSN Opinyon

Mga pelikula tungkol sa OFWs

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

ANG aking anak na si Senate President Pro Tempore Jing­goy Estrada ang panauhing tagapagsalita sa pagbubukas ng “Cinema Diaspora,” isang festival ng mga pelikula tungkol sa OFWs, bilang bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Migration Information Resource Center    ng Department of Labor and Employment (DOLE-MIRC) na may temang “Tungo sa Pandaigdigang Kaalaman    para sa OFW.”

Si Jinggoy, na chairman ng Senate committee on labor, employment and human resources development, at ng joint congressional oversight committee on labor and employment, ay naniniwalang malaki ang maitutulong ng industriya ng pelikula sa tungkulin ng MIRC na mag­palaganap ng impormasyon tungkol sa OFWs.

Ang pelikula kasi ay epektibong nakapaghahatid ng impormasyon sa paraang nakaaaliw o kaya naman ay nakaaantig ng damdamin, at tumitimo sa isip at puso ng mga manonood.

Si Jinggoy mismo ay gumawa ng pelikulang pang-OFW, ang “Katas ng Saudi,” na ginawaran ng “Gatpuno Villegas Cultural Award” sa Metro Manila Film Fest noong Disyembre, at kung saan ay itinanghal siyang Best Actor. Ang Katas ng Saudi ang pelikulang unang iprinisinta sa film festival ng Cinema Diaspora ng DOLE-MIRC.

Nagbabala noon ang ilang taga-film industry na ang mga pelikulang pang-OFW daw ay hindi kumikita sa takilya tuwing MMFF, dahil ang mas click sa ganoong okasyon ay mga palabas na “fantasy at superheroes.” Pero aniya, hindi ang kikitain ang kanyang konsiderasyon sa Katas ng Saudi, kundi ang pagbibigay ng parangal sa mga OFW, kaya’t nanawagan din siya sa film industry upang gumawa ng maraming pelikula tungkol sa mga OFW.

Sa kabuuan, sinabi ni Jinggoy na dapat ibigay ng pa­mahalaan ang buong suporta sa mga OFW na pangu­nahing nagtataguyod ng ekonomiya ng bansa. Ayon nga sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang OFW remittances noong 2007 ay umabot sa $14.45 bilyon.

* * *

Para sa mga kababa­yan nating naghahanap ng serbisyo publiko, ma­aari kayong lumiham sa opisina ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejer­cito Estrada sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City. Ipag­paumanhin ninyo at hin-di po matutugunan ang mga solicitation letter.

ANG KATAS

BANGKO SENTRAL

BEST ACTOR

CINEMA DIASPORA

SHY

SI JINGGOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with