^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Mag-ingat sa sunog

-

KAHIT hindi Marso ay maraming sumisiklab na sunog. Kaya mas mainam sana kung ang Bureau of Fire Protection ay palagiang ipaalala ang  pag-iingat sa sunog at hindi lamang kung Marso na tinaguriang Fire Prevention Month. Suhestiyon sa BFP na magkaroon palagi ng mga fire drill sa mga eskuwelahan o kaya’y sa mga tanggapan para ma-idiin ang pag-iingat sa sunog.

Ugaliing mag-ingat sa sunog dahil wala itong pinipiling oras. Hindi biro kapag nasunugan sapagkat ubos lahat ang kabuhayan. Sabi nga mas mabuti pa raw maakyat bahay kaysa masunugan. Meron pa raw itinitira ang mga magnanakaw samantalang ang sunog ay abo lamang. Bagamat masama na manakawan masunugan, ang aksiyon ng BFP ang kailangan ngayong panahon na ito mas maraming sumisiklab na sunog.

Mula Marso 1, ilang sunog na ang naganap sa Metro Manila at iba pang lugar. Maraming nawalan ng tahanan na karamihan ay mga squatters. Ka­dalasang pinagmumulan ng sunog ay ang overloading ng kuryente at ang mga naiwang kandila na nasagi ng daga o pusa. May mga pangyayaring nag-away ang mag-asawa at tinopak ang lalaki o babae at sinunog ang sariling bahay. Nadamay ang ibang walang kamalay-malay.

Kapag napag-uusapan ang sunog, hindi naman mawaglit sa isipan ang nangyaring malagim na sunog sa Ozone Disco kung saan ay mahigit 100 katao ang namatay karamihan sa kanila ay mga nagseselebreyt ng kanilang pagtatapos sa kolehiyo. Walang fire exit ang nasabing diskuhan at na-trap ang mga kabataan. Ang ilang nakaligtas ay halos hindi makilala dahil sa matinding pagkalapnos ng balat. Isang matinding bangungot para sa mga nakaligtas ang nangyaring iyon. Hinding-hindi makakalimutan sapagkat taglay nila ang bagsik ng apoy na lumamon sa kanilang mga katawan.

Pag-ibayuhin naman ng mga opisyal ng lungsod o bayan ang pag-iinspeksiyon sa mga establisi­ mentong walang fire exit kagaya ng mga sinehan, malls, boarding house at iba pang gusali. Hindi kung kailan nagkaroon na ng malagim na sunog at marami nang namatay saka lamang kikilos. Huwag nang hintayin pang maganap ang katulad ng sa Ozone Disco. Pag-ibayuhin ang pagpapaalala sa mamama­yan na mag-ingat sa sunog.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

FIRE PREVENTION MONTH

MARSO

MULA MARSO

OZONE DISCO

SUNOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with