Isang panig lang
ANG kasong ito ay nagsimula nang mangutang ang kompanyang LRDC sa bankong MBTC sa pamamagitan ng presidente nitong si Sammy. Bilang prenda, ginamit ng kompanya ang tatlong parselang lupa pati na rin ang mga nakatayong gusaling pag-aari nito na pawang nasa
Nang hindi makabayad sa utang ang LRDC, inilit ng MBTC ang mga ari-arian nito. Ibinenta lahat sa public auction kung saan MBTC ang nanalo. Nang marehistro ang katibayan ng bentahan noong Disyembre 13, 2000, tinangkang kunin ng MBTC ang mga lupain ngunit mahigpit itong tinutulan ng LRDC. Noong Marso 17, 2001, napilitang magsampa ng kaso ang MBTC upang makuha nito ang posesyon ng lupa. Noong Hulyo 5, 2001 ay pinagbigyan ng korte ang nasabing petisyon. Ngunit bago pa man makuha ng MBTC ang posesyon sa lupa, nakuhang ilipat ito ni Sammy kay Ray ang tatlong parsela ng lupa sa pamamagitan ng Deed of Assignment. Noong Abril 3, 2002, nagsampa ng kaso si Ray laban sa MBTC upang mapawalang-bisa ang pagkakaremata ng mga ari-arian.
Sa kabila ng isinampang kaso, nakuha pa rin ng MBTC ang posesyon ng isang parsela pati na ng mga gusali noong Disyembre 13, 2002 at ang dalawang parsela Disyembre 3, 2003.
Kaya nagsampa muli si Ray ng petisyon sa Court of Appeals para mapawalang-bisa ang desisyon ng korte. Ayon sa kanya, hindi raw dumaan sa proseso ang paggawad ng writ of possession sa pagbibigay ng posesyon sa MBTC dahil kahit sa LRDC ay hindi ipinaalam ang nangyari. Hindi pinansin ng Court of Appeals ang petisyon ni Ray. Wala naman daw karapatang makialam sa kaso si Ray dahil hindi naman siya ang rehistradong may-ari nito. Tama ba ang Court of Appeals ?
TAMA. Walang karapatan si Ray na ipawalang-bisa ang desisyon ng korte. Nang ilipat sa kanya ang mga ari-arian ay alam na niya na nailit na ito at nabenta sa banko. Kahit hindi pa nakukuha ng banko ang posesyon ng lupa ay mayroon na itong matibay na kara patan bilang rehistradong may-ari. Hindi na importante kung sino man ang pansamantalang naka-posesyon. Sa parte ni Ray, nakuha lang niya ang ka rapatan mula sa LRDC kaya balewala rin na hindi siya abisuhan ng korte tungkol sa gagawin nito.
Pangalawa, hindi nilabag ang karapatang-pantao ni Ray. Ayon sa batas (Sec. 7, Act 3135), walang pagpipilian ang korte kundi pagbigyan ang petisyon ukol sa hinihinging posesyon ng MBTC. Ang nanalo at nakabili sa lupang binenta sa auction sale ay may karapatan na makuha ang posesyon ng lupa kahit pa hindi pa tapos ang 12 buwan na palugit upang matubos itong muli ng nagsangla, basta’t isumite ang sapat na dokumento at piyansa.
Ang petisyong sangkot ay hindi talaga kailangang dumaan sa proseso ng husgado tulad ng hinihingi ng batas (Art. 433 Civil Code). Hindi naman ito isang ordinaryong kaso kung saan kailangang idemanda ng isang panig ang ka-bila upang itama ang isang
Isang panig lang ang sangkot sa mga gani-tong proseso.
Hindi kailangang ipaalam o kaya ay hingin ang permiso ng kabilang panig (Rayo vs. Metropolitan Bank et. Al. G.R. 165142,
- Latest
- Trending