Japanese - Philippine Partnership Agreement

VERY wonderful ang mga pinagsasabi ni Engineer Reynerio delos Andes, tagapagsalita ng Filipino Exponents for National Progress na kinabibilangan ng mga professionals at academicians ang grupo nila ng magpadala ng e-mail sa Chief Kuwago last March 13.

Ang mga pinagsasabi ni Reynerio ay na­pakaganda kung iisipin dahil magkakaroon daw ng mabilis na progreso ang madlang people sa Philippines my Philippines kung maaprobahan ang JPEPA.

Sabi nga, gaganda ang botak ng Republic of the Philippines at hindi tayo mahuhuli sa ASEAN countries kapag naayos ang plano para sa JPEPA.

Kaya lang Engineer delos Andes, hindi ninyo kayang kumbinsihin ang mga kuwago ng ORA MISMO, kahit na anong magandang paliwanag pa ang sabihin ninyo basta ang alam ng madlang people tungkol sa JPEPA ay ang pagdating ng toxic waste sa Republic of the Philippines.

Sabi nga, BASURA!

Totoong may makikinabang na mga noypi sa JPEPA pero ilan lang sila?

Naisip ninyo ba ang maapektuhan madlang people sa Philippines my Philippines kapag nagkataon?

Mas magandang pag-aralan itong mabuti at kung ako sa grupo ninyo mas maganda siguro kung matutulungan ninyo ang mga COMFORT WOMEN na humihingi ng tulong sa gobierno ng Philippines my Philippines para iparating sa Japanese imperial army este mali government pala ang tulong na dapat nilang ibigay.

Sa madaling salita, huwag ng pipa este JPEPA, comfort woment na lang ang pagtuunan ng pansin para habang nabubuhay pa sila ay mapakinabangan nila ang tulong na dapat ibigay sa kanila sa ginawang kademonyohan ng mga sakang noon panahon ng giyera.

Ayos ba!

 

Mario Sanchez, ng DPOS

HINDI titigilan ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kotongan nangyayari sa ginawang illegal terminal dyan sa may Elliptical Circle papuntang Philcoa kaya ang traffic todits grabe as in grabe.

Dehins pa kasi alam ni QC Mayor Sonny Belmonte ang nangyayaring kagaguhan dyan kaya tuwang-tuwa ang  grupo  ng mga kikil gang ng MMDA at ang mga bugok na taga - Quezon City Department of Public Order and Safety.

Sabi nga, wait lang kayo!

Ginawang paradahan ng mga pampasaherong jeepney ang bangketa ilang metro paglagpas ng PNB bank hanggang sa dulo ng papasok sa Phil­coa.

Kinausap ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Mario Sanchez, deputy assistant head ng QC-DPOS, na nagsabing aayusin ‘DAW’ nila ang problema.

Magkano kaya ang tong koleksyon kada araw na  pinaghahatian ng mga gago?

Hindi natin tinitira ang mga driver ng jeepney pero dapat ilagay naman nila sa tama ang kanilang ginagawa. 

Kung saan bawal doon ninyo gusto.

‘After Holy Week na natin tingnan kung naayos nga ni Mario ang koleksyon este mali ang illegal terminal pala’ sabi ng kuwagong mambubukol.

‘Saan ililipat ang mga sasakyan?’ tanong ng kuwagong nakikilan.

‘Kamote, iyan ang problema nila.’

Abangan!

Show comments