Empleyadang na-entrap ng QCPD-DPIOU, nagkontra-demanda sa biktima at Bitag!
ISANG di na bagong impormasyon ang natanggap ng BITAG mula sa District Police Intelligence Operatives Unit ng Quezon City Police District noong a-12 ng buwang ito.
Umano’y nagsampa ng kontra demanda ang empleyadong na-entrap ng Prudential Life Insurance dahil sa pangungumpiska at pagpapatubos nito ng lisensiya ng isang nakabanggaang motorista.
Ang mga sinampahan ng kaso, ang mismong bikti-mang nagrereklamo at mga BITAG staffs na nag-cover o nagdokumento lamang ng nasabing entrapment operation na isinagawa ng QCPD-DPIOU.
Ang kasong Perjury o kasinungalingan sa impor-masyon o sinumpaang salaysay ng biktima at Incrimina-ting Innocent Person.
Depensa ng empleyada ng nasabing insurance company, inosente daw siya at hindi pinilit ang biktima na pagbayarin upang tubusin sa kinumpiska nilang lisensiya.
Subalit sa phone patch na naidokumento ng BITAG na lingid sa kaalaman ng empleyada, pinapatubos nila sa halagang P3,500 ang lisensiya ng biktima.
Bumaba pa nga ang kanilang singil sa P2,000 dahil tumawad ang nagmamakaawang biktima.
Ang nakakatawa pa sa nangyaring ito, BITAG staffs ang sinampahan ng kaso gayung nagdokumento la mang kami ng entrapment operation na isinagawa ng QCPD-DPIOU.
Nililinaw lamang namin na baka hindi pa naiintindihan ng suspek na nagkontra-demanda, hindi kami ang nanghuli, nagdokumento lamang kami.
Hindi na bago sa BITAG ang makatanggap ng ganitong balita na dinemanda, sinampahan ng kaso o binalikan kami ng mga sus pek na hulog na nga sa patibong, lumulusot pa.
Ang siste, nag-aaksaya lamang sila ng kasinungalingan at palusot dahil dokumentado at kumpirmado kami sa bawat sumbong at operasyong inilalapit sa amin.
Ang mga operatiba na mismo ng QCPD-DPIOU ang nag-imbestiga na
Hindi sila otorisado na gawin ito at ang pagpapatubos nito ang dahilan kaya’t nauwi sa extortion ang kaso.
Sa kasalukuyan, release for further inves-ti gation ang naging resolusyon ni Assistant Quezon City Prosecutor Florante Ramolete sa kon-trademandang isinampa ng empleyada ng Pru-dential Life Insurance.
- Latest
- Trending