Mahigit 100 endangered species, hulog sa BITAG ng DENR at Task Force Kalikasan!
MAHIGIT 100 endangered wildlife species ang nakumpiska ng Department of Environment and Natural Re-sources (DENR) at Task Force Kalikasan kasama ang BITAG.
Ito ay matapos isagawa ng DENR at Task Force Kalikasan sa pangunguna ni Assistant Secretary Jayjay Yambao ang isang operasyon laban sa ilegal na pag-bebenta ng mga endangered wild life species sa Car- timar,
Marso 10, nasa kalagitnaan ng pagpupulong ang grupo ng BITAG sa aming opisina, isang tawag ang aming natanggap mula mismo kay ASEC Yambao.
Itinimbre ni ASEC Yambao sa BITAG na isang surprise visit ang kanilang isasagawa sa Cartimar,
Marami na raw report ang kanilang natatanggap kung kaya’t kasama ang Task Force Kalikasan, isang operasyon ang kanilang ikinasa.
Masuwerte naman na BITAG ang kanilang inimbitahan upang isagawa ang operasyong ito at dito, eksklusibo naming naidokumento ang bawat pagpaplano at operasyon ng DENR at Task Force Kalikasan.
Pitong pet shop stalls sa Cartimar,
Karamihan pa sa mga stalls na ito, nakatago ang kanilang mga panindang endangered species sa mga kisame. Natuklasan ito ng mga representante ng DENR at Task Force Kalikasan ng halughugin nila ang bawat tindahan.
Kabilang sa mga nakumpiskang endangered species ay ang sugarlider, cokatoo, mynah, Philippine scops owl, iguana, turtle, lizard, rainbow lorry, tortoise, garter snake, plover, squirrel, monkey, snakes katulad ng python at cobra at ang pamosong Philippine Eagle.
Kasalukuyang itinurn-over ang mga nakum- piskang hayop sa Protected Areas and Wild-life Bureau upang isagawa ang imbentaryo ang pansamantalang pangangalaga sa mga endangered species.
Abangan ngayong Sabado sa BITAG ang kabuuan ng operasyong ito ng DENR at Task Force Kalikasan.
- Latest
- Trending