^

PSN Opinyon

Balik Korte Suprema

K KA LANG? - Korina Sanchez -

BINAWI na ni President Arroyo ang kontrobersyal na Executive Order 464, na nagbabawal sa sinumang opisyal o miyembro ng Gabinete na tumestigo sa Senado o sa Kongreso nang walang pahintulot ng Presidente. Ginawa ito dahil nakinig daw ang Presidente sa petisyon ng mga obispo na bawiin na ang EO 464, para lumabas na ang katotohanan sa lahat ng anomalyang bumubulok sa administrasyong ito. Nagkalakas pa nga ngayon ng loob si Vice President Noli de Castro sa pagtawag ng pagtanggal ng EO 464 at “ilabas na ang sinumang makapagsasabi ng katotohanan tungkol sa ZTE Deal”. 

Sandali lang.  Eh wala namang saysay ang paghingi ng pagtanggal ng EO 464!  Matagal na itong dinesisyunan ng Korte Suprema na labag nga raw sa Saligang Batas kaya tala­gang wala nang EO 464!  Dati pa!  Ang sinabi ng Korte Suprema ay mayroong tinatawag na “executive privilege” kung saan may karapatan ang Presidente at mga miyembro niya sa ehe­kutibo na huwag isapubliko ang ilang sensitibong impormasyon na namamagitan sa kanila para sa ikabubuti ng bansa at nakakarami.  Ito ngayong Executive Privilege na ito ang ginagamit ni CHED Chairman Romy Neri sa pagtangging dumalo at magbigay ng testimonya sa Sena­do.  Hindi ang EO 464.  Pero parang handang-handa ang kapwa Simbahan at si VP De Castro sa pagpahayag laban sa EO 464 — safe na safe kasi — walang anghang at hindi magagalit si President Arroyo.

Ngayon pati ang Oposisyon at maraming komentarista at kolumnista na ang humahamon — kung talagang malakas ang loob ninyo, itong Executive Privilege ang ipatanggal n’yo.  O kaya, mas mabuti, ispesipiko nang pabayaan si Neri na tumestigo sa Senado!  Ang sabi ni Fr. Joaquin Bernas, isa sa sumulat ng Saligang Batas ng 1987, matagal nang nakapaloob sa Konstitusyon ang karapatan ng Presidente sa Executive Privilege na ito.  Ngunit, sa isang halimbawa sa United States, kinailangang pakinggan ng Korte Supre­ma nila roon ang mga wiretapped na usapan sa telepono. At nang mapakinggan ng mga Mahis­trado, dinesisyunan nilang kailangang ilabas sa publiko ang mga tape at imbestigahan.  Sa kasong iyon, hindi umubra ang Executive Privilege.

Ito ngayon ang hinihintay nang marami. Ka­ilangang makausap ng mga Mahistrado si Neri at desisyunan kung kailangan nga ba talaga ni Neri na lumabas at maglahad ng usapan nila ni GMA. Dedesisyunan ng Korte Suprema kung may sapat na basehan ang suspetsa, matin­ding hinala ng publiko na may pinagtatak-   pan si President Arroyo at si Romy Neri.

Bale, halos wala ring naitulong ang press release ng gobyerno tungkol sa EO 464. Pam­pakalma lang siguro ito sa galit ng publiko.

Hindi ko talaga maiwasang ihambing ang    mga pangyayari ngayon sa mga pangyayari na nauwi sa Edsa Uno at Edsa Dos. Halos lahat ng aspeto ay narito na. May anomalya, may testigo, at katulad ng hindi pagbubukas ng pangalawang sobre noong impeachment trial ni Joseph Estra­da, nandyan ang executive privilege. Noong nagkilos-protesta na sa kalye, pinayagan na ni Estrada na buksan ang pangalawang sobre. Parang pagbabawi ng EO 464 ni GMA ngayon. Pero ang naiiba na lang talaga ay ang malawa­kang kilos-protesta at pagdagsa ng mamamayan sa kalye, kahit marami ang sumasang-ayon na oras na para magbitiw si President Arroyo sa tungkulin. At walang senyales na tutulong o sasali na rin ang militar sa mga ranggo ng mga nana­wagan sa pagbibitw ni President Arroyo. Dahil ba hindi sila sang-ayon sa papalit? O kaya’y pagod na ang tao sa ganitong pamamaraan ng pagpa­palit ng pinuno ng bansa?

Maraming senaryo, alinlangan, walang kasi­guruhan. Sa ngayon ang hinihintay na pagpa­bukas muli ng tila nagsasara nang pinto ay nasa kamay ng mga mahistrado ng Korte Suprema.  Sinabi na nila na hindi puwedeng gamitin ang Executive Privilege sa pagtago ng isang krimen. Hindi sapat ang mga isiniwalat na ni Jun Lozada. Kailangan ang mga pahayag ni Romulo Neri. Malamang ito na ang magiging mitsa ng isa na namang malawakang kilos-protesta, o kaya’y sapat na dahilan para bumaba na si President Arroyo sa tungkulin. Well, iyon ang panaginip nang marami.

vuukle comment

EXECUTIVE

EXECUTIVE PRIVILEGE

KORTE SUPREMA

PRESIDENT ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with