^

PSN Opinyon

“Menor de edad anak ko!”

- Tony Calvento -

(Kinalap ni Jezza Balmeo)

R.A 9344 o Juvenile Justice Welfare Law, ang batas na inakda ni Senator Francisco “Kiko” Pangilinan. Nakasaad dito na ang mga menor-de-edad ay hindi pwedeng ikulong kasama ang mga preso. Ang mga bata na ang gulang ay below 15 ay hindi maaring makasuhan dahil walang DISCERNMENT o hindi pa umano naiintindihan ang kanilang ginagawa at ang mga 15 to 17 years old naman ay sasailalim sa isang “diversion” program mula sa DSWD at pagkatapos ay magkakaroon ng redirection para maibalik sa ating lipunan.

Marami ang hindi sang-ayon sa batas na ito ngunit marami din ang nakikinabang nito. Sa pagpapatuloy ng ating pagba­basa, alamin natin kung ito bang batas na ito ay nakakabuti o nakakasama.

Bugbog at puno ng pasa, ganito inilarawan sa amin ni Cesar Enriquez ang naging kalagayan ng kanyang menor-de-edad na anak matapos siya ay pagtulungan gulpihin ng taong bayan. Siya ay itatago natin sa pangalang “MAC”.

Si Mac ay 17 taong gulang pa lamang. Siya ay panganay sa limang magkakapatid. Taong 2007 nang siya ay ma­ka­pagtapos ng High School. Hindi na nakapag-aral pa sa kolehiyo si Mac dahil hindi sapat ang kinikita ni Cesar sa kanyang trabaho bilang electrician.

Simula noon ay lagi na lamang naiiwan sa bahay si Mac. Sa ilang buwan na pamamalagi ni Mac sa kanilang bahay ay hindi naman nainip ito dahil madalas siyang dalawin ng kanyang dating mga kaklase at paminsan-minsan ay lumalabas sila para mamasyal.

Sa kabila ng simpleng paglilibang ni Mac kasama ang mga kaklase, hindi niya inaasahan na isang gulo pala ang dulot nito.

November 25, 2007, pinuntahan siya ng kanyang dalawang kaibigan sa kanilang bahay. Siya ay ipinakilala ng mga ito sa dalawang kasamang babae. Sila ay maghapon na nag­kwentuhan sa kanilang bahay bandang alas-otso y media ng gabi ng siya ay yayain ng kanyang mga kaibigan na ihatid na sa saka­yan ang dalawang babae.

Sinamahan ni Mac na ihatid ang kanyang mga kaibigan pa­punta sa sakayan. Nang sila ay makarating sa kalsada ng Barangay Pulido ay napansin nilang maraming tambay at nag-iinuman.

Maya-maya ay bigla na lang daw sila pinalibutan ng  mga tambay. Bigla na lamang daw may sumuntok sa kanya at siya ay tinamaan sa mukha. Si Mac ay nahilo at natumba.

Pinilit niya umanong tumayo at tumakbo. Nung siya ay lumingon ay nakita niyang marami ng humahabol sa kanya at hindi na niya makita ang kanyang mga kasama.

Hindi pa daw siya nakakalayo ay inabutan siya ng  mga ito. Nang siya maabutan, ipinagpatuloy uamano ng mga ito ang pagbugbog sa kanya. Bigla na lamng daw may sumaksak sa kan­ya at ito ay kanyang nailagan.

Sinundan pa daw ito ng isa pang pagsaksak ngunit nakipag-agawan na daw si Mac. Sa puntong ‘yun ay naagaw ni Mac ang kutsilyo. Iwinasiwas niya umano ito para hindi umano siya malapitan.

Maya-maya ay bigla na lamang daw mayroong humawak sa kanyang likuran. Inagaw umano nito ang patalim at pinagtulungan na siya muling bugbugin ng mga ito.

Naramdaman na lamang daw niya na mayroong pumalo ng matigas na bagay sa kanyang likuran ng dalawang beses dahilan upang siya ay bumagsak sa lupa.

Sinabi pa ni Mac na hindi na niya naramdaman ng siya ay lagyan ng posas. Siya ay binuhat patungo sa barangay hall. Pagdating daw dun ay itinago umano siya sa lagayan ng mga walis at pinatay ang ilaw.

Ilang sandali lamang ay muli nila umanong binitbit si Mac at isinakay sa isang police patrol mobile. Siya ay dinala sa isang health center. Dun ay tinanong lamang daw ang kanyang pangalan ngunit ng hindi daw siya sumagot ay muli siyang sinakay ng mobile.

Pinuntahan nila ang mga kasasma niya sa mga bahay nito ngunit hindi naman nila ito nadatnan dun. Matapos nun ay dinala na siya sa GMA Cavite police station at dun ay kinuhaan siya ng salaysay at ikinulong.

Sa narrative report ng General Mariano Alvarez Municipal Police station ay nalaman namin na nag-umpisa ang lahat sa isang asaran. Nakita umano sila Mac ng nobyo ng kasama nilang babae. Dun ay inasar ito ng mga kasama niyang kaibigan. Maya-maya ay nagkainitan na ang mga ito.

Ayon sa report, habang nasa loob daw ng kanilang bahay si Elipidio ay may narinig umano itong kaguluhan kaya lumabas ito at nakita niya si Mac na may hawak na patalim.

Bigla na lamang daw siya sinaksak ni Mac. Pinigilan daw niya si Mac ngunit nakawala ito at tumakbo. 

Si Mac ay hinabol ng mga tao ng siya ay maabutan ay pinagtulungan siyang gulpihin. Agad na rumesponde ang bantay bayan saka nila ibinigay si Mac.

Si Mac ay sinampahan ng mag-aama na sina Enrico, Eric Ancero at  Elipidio Ancero ng kasong Frustrated Homicide sa tinamo nilang saksak mula kay Mac.

Sana po mabiyan ng katarungan ang aking anak na walang kalaban-laban na binugbog. Hangang ngayon ay hindi pa ito napapagamot at  nakakulong pa rin kahit na nagfile na kami ng Motion for Recognizance. Payat na payat na siya sa bilangguan kasama ang ibang preso,” kwento ni Cesar.

Para aming matulungan si Cesar ay inilapit namin siya sa Chief ng Public Attorney’s Office na si Chief Persida Acosta at kinausap namin si Provincial Prosecutor Em­ma­nuel Velasco ng Cavite upang makapag manifest sa hu­kuman na itong akusado ay isang menor-de-edad.

PARA SA INYONG COMMENTS o REACTIONS maari kayong tumawag sa 6387285 o di kaya’y magtext sa 09213263166 0 sa 09198972854. Maari din kayong magsadya sa aming tanggapan sa 5th Flr. City State Center bldg. Shaw blvd. Pasig City. Maari din kayong mag E-mail sa [email protected].

* * *

E-mail add: [email protected]

MAC

SI MAC

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with