^

PSN Opinyon

Reklamo ng Barangay ang sandata ni Sapitula

- Bening Batuigas -

Kasalukuyang humihimas ng malamig na rehas     ang apat na kilabot na myembro ng “Bagets Gang” ma­tapos na magsagawa ng Anti-Crime Operation ang  Manila Police District (MPD) Sta. Cruz/Central Market Police Station sa pamumuno ni P/Supt. Romulo Sapi-tula sa kahabaan ng Rizal Avenue.

Nag-ugat ang operasyon matapos na makatanggap ng reklamo si Police Superintendent Romulo Sapitula mula sa mga opisyal ng Barangay at maging sa mga mamamahayag.

Ayon sa mga Barangay Official walang pinipiling oras umano ang apat na kilabot na nakilalang sina Jeffrey Francisco, Alias “Komag”, Georic Salao, Alias “Jolot”, Mathew Gatlabayan, Alias ‘‘Macho” at Tom Jess Oracion na pawang walang hanapbuhay na mangholdap sa naturang lugar gamit ang mga balisong.

Sila rin umano ang dahilan ng madalas na rambulan sa naturang lugar dahil nalululong rin umano ang mga ito sa ipinagbabawal na gamot at alak. He-he-he! Nagwakas rin ang pamamayagpag ng mga kilabot.

Pinasalamatan ng mga Barangay Official si Sapitula sampu ng kanyang mga masisipag na tauhan matapos na malambat ang apat sa madilim na bahagi ng Fugoso St., habang ang mga ito’y nag-aabang ng kanilang ma­bibiktima.

Kung sabagay subok ko na si Sapitula sa kasi­pagan dahil ’di ko na rin mabilang sa aking daliri ang mga sina­mahan kong matagumpay na Anti-Crime Operation ng una siyang maging hepe ng naturang presinto at ng siya’y maging hepe rin ng Tondo.

Noon kasi mga suki ng siya pa ang hepe ng Balot, Tondo, Police Station ay halos araw-araw ang ginawa niyang pagkubkub sa mga pinagtataguan ng mga kriminal sa mga masusukal na lugar, kung kaya’t taas noo siyang kinilala ng mga taga-Tondo sa kasipagan at katapangan.

Kahit maigsing panahon lamang ang inilagi ni Sapitula sa Tondo ay naiukit naman sa mamamayan ang kanyang kabutihan sa pagganap sa sinumpaang tungkulin. He,he,he! Naging matahimik ang kapaligiran ng Tondo at ang balita ko’y nagsilisan ang mga kriminal upang maka-iwas sa kamay na bakal ni Sapitula. Get n’yo mga suki!

Ang style kasi nitong si Sapitula ay madalas ang kanyang pakikipagpulong sa mga Barangay Official   upang ilapit ang kapulisan sa mamamayan at upang alamin rin ang mga problemang pangsiguridad, kung kaya’t ito ang kanyang armas sa pagtugis sa mga pusakal. Get n’yo mga suki!

Ngunit may pakiusap na ipinarating si Sapitula sa mga biktima ng mga kriminal na sana’y lumapit kayo sa kanyang tanggapan upang masampahan ng kaso ang mga suspek.

Kasi nga naman mga suki! Kadalasan ang may ka­salanan rin sa paglaya ng mga kriminal ay yaong mga nabiktima, dahil oras na mabalitaan nila na nahuli na ang mga suspek ay hindi na nila pinupursige ang pagsampa ng asunto, kaya’t nakakalaya ang mga suspek.

Kaya kayo na mga suki ko na biktima ng mga kawa­ tan, huwag na kayong patumpik-tumpik tuluyan na nin­yong sampahan ng kaso ang mga iyan upang maka­tulong kayo sa kapulisan at mamamayan na matuldu-kan na ang kasamaan.

Saludo ako sa ’yong kasipagan P/Supt. Sapitula, nawa’y ipagpatuloy mo pa ang iyong kasipagan.

Mabuhay ka! Palakpak naman diyan mga suki!

ANTI-CRIME OPERATION

BARANGAY OFFICIAL

SAPITULA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with