Parehong nagkamali
Dalawang gusali ang pag-aari ng TEC, ito ay ang DCIM at ang NS. Pareho itong nasa loob ng Food Terminal Complex, Taguig. Upang magkaroon ng kuryente, tatlong kontrata ang napagkasunduan ng TEC at ng MERALCO, dalawa sa DCIM at isa sa NS.
Noong Setyembre 28, 1987, isang grupo mula sa MERALCO ang gumawa ng biglaang inspeksyon sa dalawang kuntador/metrong nakakabit sa DCIM na
Noong Nobyembre 25, 1987, ipinaalam ng MERALCO sa TEC ang resulta ng inspeksyon at humingi ang kompanya ng P7,040,401.01 bilang kabayaran sa hindi narehistrong konsumo ng kuryente mula Pebrero 10, 1986 hanggang Setyembre 28, 1987. Ipinaalam ito ng TEC sa ULTRA. Sabi naman ng ULTRA, kahit pa nga tampered ang metro masyadong malaki naman ang halagang hinihingi ng Meralco. Dahil hindi nagbayad, pinutulan ng kuryente ang DCIM noong Abril 29, 1988.
Nang ayaw kabitan ng kuryente, napilitang magsampa ng kaso sa Energy Regulatory Commission (ERB) ang TEC. Inutusan naman nito ang MERALCO na ikabit muli ang kuryente sa DCIM. Kinabitan ng kuryente ang DCIM
Gumawa rin ng biglaang inspeksyon ang MERALCO sa NS. Hindi rin umano nagrerehistro ng tamang konsumo ng kuryente ang kuntador ng nasabing gusali. Nagpadala ng sulat ang MERALCO sa TEC humihingi ng P 280,813.72 bi lang bayad. Nang itanggi ng TEC na nagkaroon ng “tampering”, nagpadala muli ng sulat ang MERALCO bilang pananakot sa TEC na puputulan ulit ng kuryente kung hindi babayaran ang halagang nabanggit. Napilitan na naman ang TEC na bayaran ang MERALCO.
Dinemanda ng TEC ang MERALCO para sa danyos. Matapos ang paglilitis, pinaboran ng hukuman ang TEC. Ipina balik sa MERALCO ang halagang binayaran ng TEC bukod pa sa sumusunod: P150,000.00 (actual damages), P 500,000.00 (moral damages), P200,000.00 (exemplary damages) at P200,000.00 (attorney’s fees). Ayon sa hukuman, ang big lang pagbaba ng konsumo ng kuryente ay sanhi ng depormadong kuntador ngunit kulang ang ebidensiya upang patunayan na pinakialaman o na-tamper ang kuntador. Mga empleyado lang ng MERALCO ang maaaring makialam sa mga ito. Ayon pa sa hukuman,
Oo. Kung may ebidensiya man na tampered ang kunta-dor nang mag-inspeksyon noong Setyembre 28, 1987 at muli noong Hunyo 7, 1988, dapat sana’y gumawa ng paraan ang MERALCO upang itama ang mga depektibong metro. Malinaw na pinabayaan ng MERALCO ang sirang kuntador pagkatapos ay bigla na lang na siningil ang TEC sa maling konsumo. Hindi maaaring kampihan ng hukuman ang ginawang ito ng MERALCO at baka gayahin pa ng ibang kompan- yang tulad ng MERALCO.
Obligasyon ng MERALCO na gumawa ng regular na inspeksyon at siguruhing maayos ang andar ng mga kuntador ng kompanya. Kumpleto sila ng mga aparato upang kumpuni- hin ang mga nasira. Kasalanan ng MERALCO kung dahil sa kapabayaan nito ay
Tama lang na hindi tang gapin ng hukuman ang sinisingil ng MERALCO. Ayon sa batas (PD 401), binibigyan ng karapa tan ang mga kompanyang tulad ng MERALCO na gumawa ng regular na inspeksyon o kaya naman ay magsampa ng kaso sa mga taong gumagawa ng kalokohan. Ngunit hindi sila binigyan ng karapatan na basta na lang putulan ng kuryente ang mga tao maliban na lang kung nagbigay ang kompanya ng 48-oras na palugit. Sa kasong ito, inabuso ng MERALCO ang kapangyarihang bini- gay ng batas. Basta na lamang nito pinutulan ng kuryente ang DCIM ng walang pasintabi.
Ngunit bilang isang kom panya, ang TEC ay hindi maaaring bigyan ng tinatawag na “moral damages”. Hindi naman ito isang tao na nakakaramdam ng takot, pagkapa hiya at pagkabigla. Ang kaisa-isang pagkakataon na binibigyan ng moral damages ang isang kompanya ay kung ang reputasyon at magandang pangalan na nito ang sinira.
Sa kasong ito, walang katibayan na magpapatunay na nasira ang reputasyon ng TEC dahil sa mga ginawa ng MERAL CO.
(Manila Electric Company vs. T.E.A.M. Electronics Corp. et. Al., G.R. 131723,
- Latest
- Trending