^

PSN Opinyon

‘Tirador o Traydor?’ (The carnapper Kuno Story 2)

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

MATAPOS isa-isang ipinakilala sa BITAG at National   Bureau of Investigation Anti-Terrorism Division-Intelli-gence Service ang miyembro ng grupo ni Tirador, dinala niya kami sa kanila daw prospek na bibiktimahin.

Sa isang gusali sa West Membo Makati, dinala niya ang mga BITAG undercover at ahente ng NBI-ATD-IS      na umano’y pagmamay-ari ng isang Koreano.

Ayon kay Tirador, ang kanilang pakay sa Koreano, ang puting Toyota Fortuner daw nito na kanilang kakarnapin.

Lahat ng impormasyong ito, matapos idokumento    ay metikulong binusisi ng hepe ng NBI-ATD-IS na si Atty. Romulo Asis at BITAG ang lahat ng ipinakita ni Tirador sa amin.

Sinimulan din namin ang pag-profile kay Tirador at sa grupo nito. Subalit nasa kalagitnaan kami ng aming im­bestigasyon, tumawag ang lider ng grupo ni Tirador na si Anthony.

Dito, handa na raw ang kanilang grupo, lima silang kakarnap sa Toyota Fortuner ng Koreano. Kasado na rin daw ang kanilang mga armas at sasakyang gagamiting pangsibad pagkatapos ng kanilang operasyon.

Kinabukasan, katulad ng mga dating operasyon na magkasama ang BITAG at NBI, maaga pa lamang ay preparado na ang lahat.

Maingat na pinag-aralan at plinano ang bawat hak-  bang at kilos na gagawin ng grupo ng mga karnaper kung saan kasama dito ang asset naming si Tirador.

Bago umalis si Tirador sa Headquarters ng NBI-ATD-IS, alam naming kabisado na niya ang kanyang papel at  gagawin ng mga ahen-te ng NBI sa delika-dong operasyon na ito.

Katulad ng pinag-usapan, alas-7 pa la­mang ng gabi, naka­puwesto na ang grupo ng BITAG at NBI sa paligid at bawat kanto ng target area sa West Membo Makati. Ayon  sa kanya, alas-9 daw titira ang kanilang gru­po.

Makailang beses   na nagpabalik-balik ang grupo ng mga kar­naper kasama si Ti­rador sa target area sakay ng isang motor, dito, sigurado kami na sinu-surveillance din  nila ang lugar.

Subalit alas-diyes na ng gabi, hindi pa rin dumadating ang Toyo-ta Fortuner na pagma­may-ari daw ng Ko­reano habang si Tira-dor at ang kanyang mga kasama, papu­westo pa lamang ma­lapit sa gusali.

Nakaantabay na ang aming grupo ma­ging ang mga NBI  agents na nakakalat    sa paligid, hindi namin inaa­sa­han ang mga sumunod na nang­­ya-ri…

Abangan ang huling bahagi… 

vuukle comment

SHY

TIRADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with