ITINATANONG ni Miss Angela A. ng Project 6, Quezon City kung bakit may mga batang autistic at ano ang dahilan. Natatakot daw kasi siya na baka magkaroon siya ng anak na autistic. Tanong din niya kung ano ang mga pagkain na nagpapalala sa mga batang autistic.
Maraming salamat sa pagsulat, Angela. Ang topic na ito ay minsan ko nang naisulat noon. Autism ang tawag sa disorder na ito. Ito ay mental disorder na pinaniniwalaang dahil sa brain damage at hindi dahil sa emotional trauma. Batay sa mga pag-aaral, sa bawat 2,500 tao, isa ang may autism.
Anu-ano ba ang sintomas ng autism?
Ang mga sintomas nito ay ang kawalang kakayahan na makipag-communicate at makabuo ng relasyon sa kanyang kapwa. Hindi makapagsalita at may kakula- ngan ng language development.
Tungkol sa tanong mo na kung mayroon bang mga pagkain at inumin na nakapagpapalala sa isang batang autistic. Isa ang caffeine sa mga itinuturong dahilan. Ang caffeine ay matatagpuan sa coffee, tea at softdrinks. Kapag nakainom ng mga nabanggit ang isang autistic, hindi siya mapakali at nagiging iritable. Nararapat na tandaan ng magulang ang mga pagkain at inumin na nagiging dahilan ng problema at alisin ito sa kanilang diet. Ganoon man, tandaan din na ang pagbabawal sa mga autistic na kumain at uminom ng kanilang gusto ay maaaring makapagdulot din ng problema. Tandaan na dapat magkaroon ng well-balanced diet ang autistic.
Sa mga ginawang eksperimento at pag-aaral sa vitamin theraphy, sinabi na ang mataas na dosis ng vitamin B6 ay nakatutulong sa behaviour ng autistic. Tandaan din naman na ang vitamin therapy ay hindi dapat isaga-wa hangga’t walang medical supervision.