Sorry ‘di sapat
Patawad.
Humingi ng patawad ang New People’s Army sa pamilya ni Vicente “Centing” Ferazzini na pinatay ng tatlo sa kanilang mga kasamahan noong isang buwan sa Bankerohan Public Market dito sa
Si Centing, 44, ay isang negosyante na ang pamilya ay may-ari ng Mercantile Corporation (Merco) chain of bakeries and restaurants sa
Noong Pebrero 4, inako ng mga NPA ang pagpatay kay Centing dahil umano sa kanyang kasalanan na pagpagamit ng bahagi ng kanilang lupain upang gawing kampo ng mga military sa Barangay Catigan.
At pagkatapos akuin ng mga rebeldeng NPA ang pagpatay kay Centing, nag-sorry naman sila ngayon.
Sa isang statement, sinabi ni Rigoberto Sanchez, spokesman ng Merardo Arce Command ng NPA dito sa Southern Mindanao, na ang pagpatay kay Centing ay isang “highly regrettable occurrence”.
Sinabi ni Sanchez na isang imbestigasyon ang ginawa ng kanilang mga leader ukol sa kaso ni Centing. At iyon na nga, napatunayan din nila na walang sapat na batayan ang pagpataw ng kamatayan sa negosyante.
“The grounds on which a lower unit command of the New People’s Army based their decision to mete out the particular action taken against Vicente Ferrazzini are insufficient to warrant the maximum penalty of death,” wika ni Sanchez sa nasabing statement.
Ngunit, para sa pamilya ni Centing, talagang hindi sapat ang “we are Sorry” o ang “we apologize” ng mga rebeldeng NPA. Para sa pamilya Ferrazzini, “apology not accepted”. Kahit anong gawin nilang paghingi ng tawad, kahit ilang milyong sorry, hindi na nila maibabalik pa ang buhay ni Centing.
“Leave us alone and leave
Ang sorry nga ay hindi sapat para sa isang napakatinding pagkakamali
At kailangang ipakita ng mga rebeldeng NPA ang kanilang sinseridad sa hinihingi nilang pagpatawad, dapat din nilang parusahan ng nararapat ang mga nagkamali nilang miyembro na nagdesisyon at ang mga kumitil mismo sa buhay ni Centing.
At heto ang hamon sa mga NPA leaders, “bring those responsible for the killing of Centing to justice.”
- Latest
- Trending